Chapter 43 [Not a Traitor]

28.4K 633 56
                                    

            SEBASTIAN's POV†

Na-miss ko na sila. Nakakabakla mang pakinggan pero totoo yon. Namimiss ko na ang Black Skull. Yong kulitan ng dalawa, Si Jared at Lee. Yong mukha ni Matt na ang dungis dahil sa kakain ng chocolates.

Yong short-tempered at masungit naming leader. Yong bawat paglabas niya ng baril para patahimikin ang tatlo. Yong pagbabangayan ni Lee at Jared kung sino ang ma's gwapo.

Yong pang-aasar ni Lee kay Matt sa pamamagitan ng pang-aagaw ni Lee ng chocolate nito. Lahat-lahat namimiss ko. Pero tangna! Ang hirap lalo mamili.

Tinuring ko na silang kapatid. Nangako akong kahit anong mangyare ay hindi ako aalis sa tabi nila. Na hindi ko sila kailanman magagawang traydorin.

Hawak ng dad ko ang buhay ng pamilya ko. Pinagbantaan niya akong papuputukin niya ang ulo ni mom. Pupulbusin niya ang step father ko at lahat-lahat na. Pinagbantaan niya rin akong papatayin niya ang mga ka-gangmates ko pag sinuway ko siya.

Naalala ko ang gabing yon. Kung saan ko nalaman na kapatid ko pala si Audrey Gail. Kung kailan ko nalaman na kapatid ko siya ay saka naman siya namatay. Tangnang buhay!

Hindi ako makapaniwala non na nagawa ng totoo kong ama na patayin ang kapatid ko. He's a monster! A Devil! Kulang pa ang  salitang demonyo para ilarawan dito. Hangal ito sa kayamanan at kapangyarihan.

Nadiskubre ko pa na ito pala ang namumuno sa Sumizome Mafia. Ang grupo ng Mafia na umataki sa amin sa F.U. Hinahabol nila si Hell. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila rito pero sisiguraduhin kong hindi sila magtatagumpay.

Flashback


"Shit!" Napahawak ako sa ulo ko. Darn! Ang sakit ng ulo ko. Ini-adjust ko ang mga mata ko sa maliwanag na paligid. I blinked twice. Bumugad sa akin ang isang puting silid.

Nang igalaw ko ang kamay ko ay don ko napagtantong may isang tube na nakakabit sa akin. May dextrose rin akong nakikita. No doubt, nasa hospital ako.

Pano ako napunta rito? Ano ba ang nangyare?

Biglang bumalik sa ala-ala ko nang gabing magpunta kami ng Black Skull sa isang Bar. Nakita ko roon si Audrey kaya sinundan ko ito. At... At pumasok ako sa isang kwarto shit!

Her Name Is HELL [COMPLETED]Where stories live. Discover now