Chapter 42 [Doubts]

28.5K 645 65
                                    

dedicated to @ShrmnBrkz

†MATTHEW'S POV†

Yong mukha ko ngayon ay di maipinta. Ang sakit pa rin kasi ng pwet ko sa pagkakahagis ni Hyung sa akin. Sabi kong paki-swing total bitbit niya naman ako eh hinagis ako palabas ng restaurant.

Kaya ang kinalabasan ay ang pwet ko ang unang naglanding sa semento. Kung kailan enjoy na enjoy ako sa pagbitbit niya sa akin eh. Ang brutal nga naman. Kaya hito ako ngayon sa kotse ni Hyung hilot ng hilot sa pwetan ko. Namamaga ata.

"Matt, Call Lee and ask him where is he." Tingnan niyo?! Kung makapag-utos ang gurang na to ay wagas!

"Ayaw! Tampo ako sayo." Nakangusong sabi ko kay Hyung sabay iwas dito ng tingin. Tiningnan ko lang ang mga ilaw na nadadaan namin.

"Problema mo Matt?" Nakatingin pa rin sa daang tanong ni Hyung sa akin. Yan! Mag-concentrate ka. Ayaw ko pang mamatay dahil hinihintay pa ako ng destiny ko.

"Wala." Maikling sagot ko rito.

"Ganon naman pala eh. Call Lee and ask him. Now." Hanla! Galit na si Hyung. May PMS ata to. Lagot! May PMS na eh di pa sila nagkaanak ni Hyung Lee. Kasi diba? Kasal na sila.

"Ayaw pa rin." Pagmamatigas ko at di ko ito tiningnan. Bahala siya diyan. Eh bat niya kasi ako hinagis palabas? Paki-swing yong inutos ko sa kanya tas ang ginawa ay hinagis ako. Paki-explain? Malinaw naman. Di naman parehas yong Swing at Throw. Spelling pa nga lang magkaiba. Meaning pa kaya? Siguro ay napagkaitan ito ng IQ. Hay! Ang saklap pala ng pinagdadaanan ni Hyung.

"Geh na. Anong gusto mo Matt? Di mo pa rin tatawagan?" Nanghahamong tanong sa akin ni Hyung. Haysh! Ako papatalo sa gurang na to? Never!

"Hindi pa rin. A.Y.A.W." Nakalabing sagot ko kay Hyung. Paki ko ba sa kanya. Manigas siya. Teka! Oo nga no? San kami pupunta kung di ko tatanongin si Hyung Lee?

"Ayaw talaga?" Tanong nito. Agad-agad naman akong tumango.

"Never."

"Eh kung ihagis kaya kita sa bintana?" Napalunok ako sa sinabi nito. Pano kung gawin talaga nito ang bagay na yon? Edi wala na ang cute na si Matt?! Di na mauubos ang mga chocolates na binibenta sa stores. Mawawalan sila ng loyal na costumer!

"Ito na Hyung. Psh! Sungit. May PMS ata." Nakangusong bulong ko at kinuha ang phone ko sa bulsa.

I dialled Yhung Lee's number. Nakailang tawag ako pero ring lang ng ring ang phone nito.

Tinawagan ko ulit. Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin na ito sa wakas.

"Oh Matt?" Bungad ni Hyung mula sa kabilang linya. Wow. Gandang pambungad. Pagkatapos niya kaming iwan sa restaurant at magkaeskandalo ay mukhang wala itong ginawa.

"Hyung? Where are you?" Tanong ko rito.

"Nasa hospital. Sa St. Mary." Sagot nito sa tanong ko. Huh? Hospital? Na ano ba si Hyung?

"Mamatay ka na ba?" Naluluhang tanong ko rito. Shit! Mababawasan na naman ba kami? Una si Sebastian ngayon naman ay si Lee?

"Hyung may cancer ka? Leukemia? Tumor? Malala na ba? Stage four? Di na ba talaga yan magagamot?" Naluluha na ako. Isipin ko pa lang na mamatay na si Lee ay parang masakit yon sa side namin.

Her Name Is HELL [COMPLETED]Where stories live. Discover now