All dressed in white

1.2K 32 19
                                    

Nagkandagulo-gulo ang mga dalaga sa pagkahimatay ni Sab. Si Crane na ang nagbuhat dito para maihiga ito sa kama sa silid. Sakto namang pagkalapat ng katawan ni Savienna sa kama ay siya namang pagdilat nito. Bumulong si Crane na lalabas na muna ito kung saan naroon ang dalawa pang lalaki. Naiwan ang magkakaibigan sa loob ng silid.

"What happened?" grogeng tanong nito at kumilos para maupo.

"Nahimatay ka missy." sagot ni Cielo at hinawi ang nagkasabog-sabog na buhok nito. "Ano, do you want something?"

"Water please." mahinang request nito sa kaibigan.

"Eno, tubig nga!" hiyaw ni Cielo sa kapatid na nasa labas ng kwarto. Si Marg naman ay umupo sa tabi ni Savienna at dinantay ang ulo nito sa balikat niya.

"Neo is on his way." tahimik na anunsiyo ni Aura. Biglang napabaling dito ang atensyon ni Sab.

"What? You called him??? Girls naman!!" whined Savienna and tried getting up. Inalalayan naman siya ni Macy. "Where's my phone?" Dagdag pa nito at lumabas ng silid. Nakasalubong nito si Eno na dala-dala ang isang basong tubig.

Sumunod ang ibang girls papalabas ng silid at kinuha ni Viel ang hawak na baso ni Eno at inisang lagok ang tubig dahil sa tensyon na nararamdaman. Pagkarating sa sala ay nadatnan nila sina Sab at Neo na nakatayo sa gitna at nagsusukatan ng tingin.

"What happened to you? Tinawagan ako ng mga friends mo. Nahimatay ka raw? Are you okay?" Sa likod ng pagiging matigas nito ay nalalakapan naman ng concern ang tinig nito.

"Bakit ganon? Akala ko ba baldado siya? Eh tignan mo naman kung makatayo, super healthy?" bulong ni Enya kay Cielo na narinig din naman ng mga kasama. Lumingon sa kanila si Sab and mouthed 'Long story girls' at bumaling ulit sa binata.

"I am fine. Nag-panic lang etong mga girls. Sobrang pagod lang ito, promise. Sensya at naabala ka pa nila." mabilis na sagot ni Savienna dito. Ang mga dalaga naman at ang tatlong lalaking nakamasid lang sa isang tabi ay nagtinginan lang pero hindi nagsalita. Diskarte ni Sab ito, hindi sila pwedeng makialam.

"Are you sure? Gusto mo dalhin kita sa hospital?" pagsisiyasat pa din ni Neo at nilapitan si Sab, feeling her forehead.

"No! No! I'm fine!! Promise!" mabilis na sagot ni Savienna at tumingin sa mga kaibigan. Di mawari kung anong gagawin o sasabihin para makalusot at ma-delay ang pagsasabi sa binata ng balita.

"Okay, okay. Tara umuwi na tayo nang makapagpahinga ka na din." Inakay nito ang dalaga. Si Savienna ay dinampot ang bag at nilapitan ang mga kaibigan.

"Guys, una na kami. Thank you. Thank you. Basta, I'll text or call you. I'll see you on Sunday." pagpapaalam nito sa mga kaibigan at isa-isang hinalikan sa pisngi.

"Fine. But please balitaan mo kami." ani Prenia. "And Neo, you're invited on my wedding okay? Pati kayo Rax and Crane. Expect ko kayo dun ha?"

"Yeah sure! I'll be there!" Hindi pa din ngumingiting sagot ni Neo dito. "Oh paano, alis na kami. Nice seeing you again guys!"

"See you on Sunday! Bye!"

Nang makalabas na ng hotel room ang dalawa ay napabuntung-hininga silang lahat.

"Well, that was some bridal shower there!" Natatawang sambit ni Pren at pabagsak na umupo ng sofa. "The best!"

"You could say that again!" segunda ni Viel at naupo din.

"Oh ano? Sino ang matutulog dito? Kami ni Eno, uwi kami. Sinong sasabay?" anunsyo ni Cielo at dinampot na ang bag.

"Marg, tara?" yaya ni Crane. Kahit may hesitation ay tumango si Marg at lumapit dito.

Their Love Schemes 1: Nothing Like You & I (CLO|RXN)Where stories live. Discover now