The Outset and Lookback

1.8K 37 11
                                    

"Ate!!! The truck!!!" takot na takot na sigaw ni Eno. Nasisilaw si Cielo sa ilaw na nagmumula sa trak. Sila ang tinutumbok nito... o sila ba ang sumasalubong?

Ang mga sigaw lang ng nakakabatang kapatid ang tanging naririnig niya. Wala siyang iniisip kundi paanong makakaiwas sa paparating na sasakyan. Hindi din niya maihinto dahil natataranta na siya. May humahabol sa kanila.

Bumilis ang mga pangyayari. Madulas ang daan. Hindi na din malinaw ang nakikita niya dahil lumakas pang lalo ang ulan. Ang naaalala na lang ni Cielo ay ang malakas niyang pagkabig sa manibela pakanan. Hindi niya natantya. Nabunggo ang kahoy na tulay at tumuluy-tuloy sila sa isang sapa.

"ENO!!!!" sigaw ni Cielo sa ilalim ng tubig kahit walang boses ang lumalabas. She tried to swim further. And then she saw him. Pababa nang pababa ang walang malay niyang kapatid. Lumangoy siya papunta dito kahit parang hirap na hirap siyang igalaw ang kanyang mga binti.

Nang sa wakas ay makalapit na siya sa katawan nito ay bigla na lang nitong minulagat ang mga mata at mahigpit na hinawakan ang mga braso niya.

Mahigpit na mahigpit. Ang mga mata'y nanlilisik. Hindi niya alam kung dahil ba sa sindak. Pero bigla'y hinatak siya nito pababa... pababa nang pababa.. .pailalim nang pailalim... hanggang wala na siyang makita kundi ang kadiliman...

Nagising si Cielo na humihingal at pawis na pawis. Napahawak siya sa dibdib. Her eyes adjusting to the darkness.

"It's just a nightmare. Panaginip lang. Hindi na mangyayari ulit yun. Kalma Cielo." paalala niya sa sarili. She took deep breaths to calm herself. She buried herself in between her knees and a soft sob rose on her throat. Ang tagal na nang huli niyang mapanaginipan 'yun. Telling the story to her girl friends brought back the nightmares again.

It was the same dream that kept on repeating when she was in the hospital then. It took her years to forget the incident. To let go of it. To bury that in the deepest part of her mind. Kahit sya man ay hindi niya mapaniwalaang naka-get over siya doon. Marahil dahil karamay niya si Eno sa mga panahong iyon.

Ang kapatid ang nagsilbing lakas niya at pag-asa nang mangyari ang lahat ng 'yun. At sabihin pang sabay nilang naranasan ang trahedya. Ang tanging nadala ng kapatid mula sa pangyayari ay ang kawalan nito ng interes sa pagda-drive. Kaya  nagulat siya nung isang araw nang sabihin nito sa kanyang gusto na nitong matutong mag-drive. She thought then that maybe her brother is really ready now.

Pinahid niya ang mga luha at tinignan ang oras sa bedside table nya. It's only 4 o'clock in the morning. Pero tantya niya'y hindi na siya makakabalik sa pagtulog. Dahil sa tuwing pipikit siya, mukha ng batang Eno ang nakikita niya. Takot na takot.

Pinilig niya ang ulo niya't nagsimulang kumilos. Napagdesisyunan nitong tumungo sa kusina. When all else crumbles, she turns into her passion and outlet--baking. Naalala niyang nakiusap ang Abuela nya na pumunta sya sa ancestral house nila dahil ngayong araw ang uwi ng mga ito galing sa bakasyon. Naglambing pa ito na ipag-bake naman daw niya ang mga ito dahil matagal-tagal na din silang hindi nagkakasalu-salo sa pagkain. Lihim siyang napangiti sa request na 'yun ng Abuela kaya naman ay walang sabi-sabi ay napa-oo sya dito.

Naisip niyang gawin ay ang Nutella Rolls niya na mga bite-sized cake rolls na gawa sa masarap na Nutella spread. Thinking about the things that might happen this weekend made pushing the ugly thoughts away a lot easier. "Tapos na 'yun Cielo. Okay na ngayon. Okay na." She chanted habang hinahanap ang playlist na gusto niyang marinig ngayong umaga sa iPod niya na ang docking station ay nakaset-up sa kitchen counter niya. And when she saw Avalanche City, she hit play and the song Sunset boomed inside her kitchen. And slowly, with baking and good music as her therapy, she finally cleared her mind from the nightmare she had awhile ago.

Their Love Schemes 1: Nothing Like You & I (CLO|RXN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon