Chapter Eleven: Hey, Ms. Promiscuous

222K 2.2K 54
                                    


Alex's POV

Napasimangot ako ng makita na nasa parking lot pa ang kotse ni Carmi.  Lalo pa akong nabadtrip ng makita na ang Ferrari ko iyon!  Shit and damnation!

Agad na inilayo ko yung tingin ko kasi nabubwisit lamang ako.  Hindi ko matanggap na nasa kanya ang Ferrari ko.

I drew a deep breath bago babalik na sana sa nilabasan ko na hallway ng pagharap ko ay ang nakangising si Gin ang nakita ko.  Muntik ng mabunggo ng mukha ko ang dibdib niya.  I tried to ignore the manly scent of his cologne.  Shit and damnation.  Bakit ba ang bango ng lalaking ito?

"Ikaw na naman!" inis na sabi ko.  I walked past him.  Nilinga ko uli ang grupo nina Carmi na nasa isang shed.  I am sure they are waiting for me.

"Sungit mo naman Ma'am President," he said jokingly.  Naningkit ang mga mata ko.  Hindi ko siya pinansin.

"Di ba boyfriend mo yon?" anito na nilinga yung nasa parking lot bago humabol sa akin.  Magkasabay na kaming naglalakad.  

Inis na inirapan ko lamang ito.

Pakialamero.

"Bakit ba ang taray mo?  Sabi ni Ma'am Luchi dapat maging mabait ka daw sa mga estudyante mo dahil kliyente mo kami."

Sukat sa sinabi nito ay napabalik sa kanya ang mga mata ko.  Lumuwang ang pagkakangiti nito.  I wanted to scream.  So she told him!  Naiiritang humalukipkip ako na hinarap siya.

"Ano bang kailangan mo sa akin?  Bakit mo ako ginugulo?"

Umangat ang kilay nito.  He crossed his arm as well na sumandal sa pader.  Wala halos taong dumadaan sa hallway don.

"Sino naman may sabi na ginugulo kita?  Hindi ba responsibility mo as the owner of this university to accommodate your clients nicely?  Aba, pwede kitang ireklamo!"

Aba't!

I drew a very deep breath.  "Look,-----."

He grinned.  "And maybe show me some kind of VIP treatment like the way you kissed that-------."

"You kissed who, Alex?"

Napalingon kami pareho.  And I wanted to roll my eyes in annoyance when I saw the group of Carmi at katabi nito si Fredrick na namutla ng marinig ang sinabi ni Gin.

Nanlaki naman ang mga mata ni Gin at napangiti ng maluwang ng makita si Fredrick. "Hey it's--."

Agad na sinansala ko ang sasabihin ng siraulong ito.  I looked at Carmi.  "Just a stranger I met on the bar.  Are you going somewhere?"

But Carmi's eyes focused on Gin.  Halatang na attract ito kay Gin at kahit na katabi nito si Fredrick she flirted with her smile.  Naningkit mga mata ko.  She is a real bitch.

"And who is this handsome guy?  Your boyfriend?" Carmie queried.  Sina Chele naman ay interesanteng nakatingin din kay Gin.

Naningkit ang mga mata ko.  Binalingan ko siya na nakangisi sa akin.  Hinihintay ang paliwanag ko.

"He is a new student," Fredrick answered.  Inakbayan nito si Carmi.  "Let's go babes.  I am quite hungry," anito.

I saw that interesting kind of look on Gin's face nang marinig ang sinabi ni Fredrick.  Nanunukso na napatingin ito sa akin na para bang sinasabi na, 'ah siya pala ang girlfriend,' kind of look.  Buwiset lang talaga.

Hindi pa rin inaalis ni Carmi ang tingin kay Gin.  She extended her hand sa buong pagkabigla ko.  

"Carmi.  This is Fredrick, Chele and Arianne," she said demurely.   I rolled up my eyes in boredom.  This is so lame.  Napaka flirt lang talaga ng Carmi na to.  Naiinis kong bulong sa sarili.

He grinned na inabot ang kamay nito.  "And I guess Isabella is your friend too?" he queried.  Awtomatikong lumipad ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi niyang pangalan.

"It's Alex!" inis na sabi ko.  "And if they are my friends or not wala ka na don!" iritableng sabi ko na tumalikod na.  Nasisira ang araw ko!

Hindi na ako hinabol ng Gin na yon.  Mabuti naman!



Forgotten Memories Book 2 is available at www

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Forgotten Memories Book 2 is available at www.nobelista.com

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon