CHAPTER 9:GETTING CLOSER?

15.7K 472 41
                                    

sorry tagal ng update.. medyo busy po kasi ako ngayon.. Pero susubukan kong tapusin to bago matapos ang AUGUST.

Enjoy reading guys!

VOTE.COMMENT kayo na po bahala.. ♥

CHAPTER 9:GETTING CLOSER?

AOME

7:15am ng umalis ako ng bahay, sobrang sakit ng ulo ko. Nakalimutan ko pang kumain kagabi tsaka kanina. Pero kailangan kong pumasok, baka mamaya magalit nanaman sa akin yung mga kaklase ko pag hindi ako nag attend.

''Oh Aome, bakit ngayon ka lang?! Dalian mo diyan at mag oopen na yung booth!!'' pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom ito na agad ang bumungad sa akin. Isang Kimchi mascot, dahil 'KOREAN' ang theme ng mga nasa section A. Sa section B Hawaiian. Then sa C Thailand. At kaming nasa section D, utility.

Yep, utility. What's new diba?

''Hindi ba pwedeng kumain muna ako? Gutom na ako e.'' hinawakan ko yung tsan ko.

''Aome, pare-pareho lang tayong hindi pa kumakain. Mamaya kana mag inarte diyan. Bilisan mo! Mainit ulo ko. Baka mamaya ikaw kainin ko diyan!'' pag uutos sa akin ng silahis naming 'President'.

''Oo na, oo na, oo na..''

''Aome ano ba! kumilos kana!!''

''Ayan na!!'' To talagang si President masyadong high blood. Nag tungo na ako sa powder room, salamat naman at wala na yung mga nakasulat sa pader. Pero nahihilo pa rin ako, 2 oras lang yata tulog ko. 4am na akong natapos kanina e, tas nagising ako ng 6 dahil inihanda ko pa damit ni Dionne.

Pagkatapos kong isuot yung kimchi mascot, nag tungo nag ako ng booth ng nasa section A.

''Pamigay mo 'to sa mga students.'' ang kapal kapal ng mga pinamimigay na fliers.

Maya-maya pa'y nakita ko si Abcde, sitting pretty lang sa isang tabi at umiinom ng fruit juice.  Kapal muks talaga samantalang ako nakatayo sa tirik na tirik na araw at hindi pa lumalamon mula kagabi pa.

Napansin niya yatang nakatingin ako sakanya at linapitan ako.

''Nice!'' tumalikod ako para hindi niya ako asarin pa.

''Oy, ayusin mo. Pag hindi nanalo section namain lagot ka sa akin!'' 20% din kase ng category mapupunta sa mascot.  

''E ikaw pala tong gustong manalo edi ikaw mag suot!''

''Kaya mo na yan.'' sabay grin nito.

''Sige, gawin mo ng maayos trabaho mo.'' at ayun, nag lakad na siya pabalik kina Neil at Sarah.

''Hoy! Yung may suot na mascot, sumayaw ka! Huwag kang tutunga tunganga diyan!'' ng lingunin ko kung sino yun. Si Clover pala, ang aso ng bayan.

SECTION ABCD [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon