CHAPTER 18

7.1K 255 24
                                    

Magiging active na ulit ako since once a day na lang muna ang trabaho ko. Mag babalik loob ako sa wattpad. Totoo na talaga to.. Actually madami na akong naisulat sa notebook pero hindi ko lang kasi alam kung paano ko sisimulan. SIguro nakahanap ulit ako ng motivation para mag sulat. Thank you pala sa lahat ng bumili at sumuporta sa L.A at pumunta last MIBF J Last 7 chapters na to..

CHAPTER 18

AOME'S POV

Habang nasa may bench ako sa may tapat ng classroom naming hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang ganda ko talaga, pero hindi ko maiwasang kabahan baka kasi mamaya mag iba na naman ang ihip ng hangin at bigla na namang mag bago yung feelings ni Abcde sa akin.

"Ang lalim ng iniisip mo ha?" may tumabi sa akin at kinurot ako sa kanang pisngi. "Maganda ka pala sa malapitan.." kinagat ko ang dila ko para mapigilang mapatili. Huminga ng malalim at nag make face..

"Ang aga mo namang mambola." Narinig ko lang itong tumawa, "Haha! Buti alam mo na pangit ka."

"Ano bang problema mo ha?" lumapit ito sa akin. "Wala lang. Bawal ka bang ma miss?" tinignan niya ako ng diretso sa mata.. Sa bawat pag pikit niya ay kasabay naman ng pag kabog ng malakas ng dibdib ko.

"May date tayo mamaya. Hintayin mo ako. Sa may coffee shop malapit ditto sa school. Huwag kang aalis hangga't hindi ako nakakaalis." Tumango lang ako.

"That's my girl.." sabat haplos nito sa ulo ko.

Maya-maya pa'y tumatawag si Clover, sa tono ng boses nito parang may hindi magandang nangyari. Mabilis itong tumakbo at sinundan ko naman ito. Hindi ko alam kung bakit ninenerbyos ako.

"Abcde, tulungan mo ako.. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Simula kagabi hindi na yan kumakain. Hindi rin siya umiinom ng tubig.." nang Makita ko kung ano ang nangyare, nakita ko si Nicoline na halos mugto na ang mata sa kakaiyak at parang wala sa sarili.

"Tinanong namin kung anong problema, puro ikaw lang sinasabi niya." Nang makita ni Nicoline si Abcde, humagulgol ito. At yinakap ng sobrang higpit..

"Please, bumalik kana sa akin. Mamatay ako pag nawala ka sa akin.. Yes pinag palit kita. Pero, pinag sisihan ko lahat. Please kahit 2nd chance man lang. Please..."

Gusto kong magalit ng mga oras nay un, pero hindi ko magawa. "Hindi mo naman siya mahal diba? Rebound lang siya diba? Tell them na mas matimbang pa rin ako sa kanya diyan sa puso mo.." halos pag sasampalin na ni Nicoline si Abcde, pero hindi lang ito umiimik.

"Ano?! Sabihin mo sa kanila na ako pa rin ang mahal mo o mag papakamatay ako!" tumingin lang sa akin si Abcde. "I'm sorry.." he mouthed. Ngumiti lang ako at nag simula ng mag lakad papalayo sa classroom nila.

"Huwag mo masyadong dibdibin yung kanina ha?" Biglang sumulpot si Sarah at yinakap ako. "Desperado na kasi masyado si Nicoline kaya yun na ang ginagawa niya."

"Naiintindihan ko." Sarcastic na pag kakasabi ko. "Pero alam ko natatakot ka na baka bumalik yung feelings ni Abcde sa kanya.." hindi naman malabong mangyari yun. Naging sila..

"Hoy gaga ka! Huwag ka ngang nega. Awa lang yung nararamdaman ni Abcde kay Nicoline kaya gagawin niya yun. Wala kang dapat ikabahala.." Ngumiti na lang ako bilang pag tugon. Bahala na nga si batman kung anong mangyari..

Nang matapos na ang klase nakatanggap ako ng message mula kay Abcde, hindi daw ito makakarating sa date namin. BABAWI na lang daw ito dahil kailangan siya ni NIcoline sa ospital, kapag magaling na daw ito pwede niya nang iwanan. Ang sabi ko, huwag siyang mag alala.. naiintindihan ko. Pero bakit ganun? Naiintindihan ko naman pero bakit nasasaktan ako??

SECTION ABCD [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon