CHAPTER 4:TASK

19.5K 542 56
                                    

Super tagal bago ko iupdate to. 3months na din naka on hold. Pero tatapusin ko na to. Promise, 25 chapters lang to. I'll try to udate this twice a week. Sa ngayon isang chapter muna. Susubukan kong mag udate sa FRIDAY. Ineedit ko pa kase to, kaya sana maintindihan niyo.

CHAPTER 4:TASK

AOME'S POINT OF VIEW

''This is going to be your room.'' pag ka bukas ng pinto namangha ako sa design nung kwarto. Oo aminado naman ako na first time kong makapasok sa ganitong klase'ng kwarto. Yung pader lang kase nung kwarto ko yung hallowblocks at wala lang kulay.

Samantalang ito, may Aircon may sariling banyo at may mini ref pa.

''Room ko to?? Ang laki naman yata.'' tumawa ito at biglang sumeryoso yung mukha. E totoo naman e! Ang laki ng kwarto. Parang kasing laki na to ng bahay namin.

''Siryoso?? Na amazed ka talaga?? Actually, ito na yung pinakamaliit na kwarto dito. Urghh, anyway.. Kailangan ko munang mag shower. Ang init sa 'Pinas eh.''

Ngumiti ito sa akin..

''Diyan ka lang muna. Kung gusto mong matulog or manood ng t.v sige lang.. Mag enjoy ka sana sa room mo. Don't worry pag di ako busy, mag kwekwentuhan tayo buong mag damag. Okay??''  tumango lang ako dito.

Pag ka alis niya, umupo lang ako dun sa may bed. Hihintayin ko nalang hanggang matapos siya. Nakatingin lang ako sa ceiling at nag mamasid. Nagulat ako ng biglang pumasok si Abcde. Dahilan para bigla akong mapatayo. At mag mukhang awkward. =__=''

''Hey..'' siryoso yung tingin niya.. Para bang sinasabi niya na ayaw niya na nandun ako.  Naka cross kase yung mga arms niya at seryoso yung itsura niya.

Ano pa bang bago?

''So you're Dionne's new P.A?'' tumango lang ako.. At tipid na ngumiti.

''Para sa kaalaman mo Miss Nicholas, kung ano man yung mga bagay na matutuklasan mo sa loob ng bahay na to. Wala kang pag sasabihan.''

''Wala naman akong balak ipag kalat yung mga bagay-bagay na matutuklasan ko dito. Yung akin lang yung trabaho ko.'' ngumiti ito.

''Mabuti naman at nag kakaintindihan tayo.'' hindi ito sumagot at lumabas lang ng dirediretso.  Bakit ba kailangan nyang maging ganun sa akin? Wala naman akong ginagawang masama bukod sa pang hihingi lagi ng promissory note.

''Ang tagal naman niyang maligo.'' Kung ako lang yun limang buhos lang ng tubig sa tabo tapos na ako. Pero maiba tayo, nanunuyo lalamunan ko. Kanina pa kase ako hindi nag sasalita.  Chineck ko yung mini ref, puro chocolate lang laman nun.

''Wala naman sigurong masama kung lalabas ako saglit at hihingi ng malamig na tubig.'' Lumabas ako para kumuha ng tubig.. Kaya lang nung baba na sana ako ng hagdanan, bigla namang bumungad sa akin si Nicoline. Heto na, dito na mag sisimula ang delubyo AOME. Ang sama niya pa man din makatingin.

''You are??''  tinignan niya ako mula sa ulo hanggang paa. Na hiya naman daw ako. Para bang tingin niya pa lang parang binabalatan kana ng buhay.

SECTION ABCD [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon