26. What's the Connection?

Nathan's POV

"Loves, gusto mo to?"

"Ano?! Bibili ka nanaman?! Ang dami na nito oh!" reklamo ni Loureine.

"Alam mo girl, sa lahat ng kilala ko.. ikaw lang ang galit sa libreng shopping." opinion ni Scarlett.

"At sa lahat ng kilala ko... ikaw lang babe ang wagas kapag libreng shopping." pasunod ni Zachary.

"What? Eh nagpresent ka eh."

"La nakong pera kapag nagdate tayo, babe."

"Duh."

tumawa si Loureine.. pero ako hindi natutuwa sa nakikita kong close silang dalawa.

at mukhang nagkaaminan na sila ng feelings.. sabi pa nga ni Scarlett..MU sila.

"Guys! Sorry ah, bumili pa kami ng maiinom eh." bungad ni Andrea.

alright. kumpleto kami ngayong Friday.

"Weh? Baka naman nagdate sandali!" biro ni Zachary.

"Sorry brad, di makapagpigil si andrea sa kagwapuhan ko eh." sabi ni Johnrey.

"Sira ulo!" sigaw ni Andrea.

nagtawanan kami.

"uhmm... Nood tayo movie?" pag-aaya ni Scarlett.

"Despicable Me!" suggestion ni Andrea.

"Ah tara, pagbigyan naten si Dea.. gustong makita pamilya niya eh." sabi ni Johnrey.

pinaghahampas tuloy siya ni Andrea habang kami nagtatawanan.

"Well.. I guess Despicable Me isn't that bad." sabi naman ni Scarlett.

"Pero mas maganda yung 4 sisters and a Wedding." suggestion ni Loureine.

"Loves, lalaki ho kami." sabi ko pa.

"Eh ano? Kami nga babae.. pinangangalandakan ba namin?" pamimilosopo ni Andrea.

"Brad, batukan ko na yang Girl Friend mo eh!" pagbibiro ko kay Johnrey.