Prologue

9.5K 84 3
                                    

                                                         Prologue

"HUHUHUHUHUHUHUHUUU" 

iyak ng iyak ang batang lalaki... nasa hospital siya ngayon, at nag-aalala ng lubos dahil sa nangyari sa kabigan niya.

"ANAK? ANAK!" 

napatungo ang batang lalaki nang marinig niya ang boses ng babaeng nagpipilit na pumasok sa Operating Room... ang nanay pala ito ng kaibigan niya.

"TITA!" umiiyak siyang tumakbo papunta sa Tita niya.

inihiwalay siya ng babae.. "ANONG NANGYARI SA ANAK KO?" galit nitong tanong habang mahigpit siyang nakahwak sa braso ng batang umiiyak.

"Tita... S---sorry *sniff* po... Sor----"

"HINDI KO KAILANGAN NG SORRY MO!" 

nayuko lang ang bata at walang sawang nag sosorry.. paulit-ulit.. paulit-ulit.

"ANO BA?! SUMAGOT KA NAMAAAN! ANONG NANGYARI SA ANAK KOOO?" umiiyak na tanong ng babae.

"N--nasagasaan...*sniff* p-po ng truck... kasi...niligtas *sniff* n--niya ako..."

matigas na binitawan siya ng babae.. siguro'y nagulat sa narinig.

pero maya maya ay mahigpit nanaman nyang hinawakan ang bata at niyugyog.

"KASALANAN MO TO! KASALANAN MO ITO!"

nagsorry ng nagsorry ulit ang bata habang niyuyugyog at sinisigawan siya ng babae.

"TITA!"

"ANAK!"

sabay sabay na tawag ng mga taong dumating.

inihiwalay agad ng nanay ng bata ang kanyang anak mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng babae.

"WALANG KASALANAN ANG ANAK KO!" sigaw ng nanay ng bata.

"WALA? EH SIYA ANG NILIGTAS NG ANAK KO! HINDI SIYA MAGKAKAGANITO KUNG HINDI DAHIL SA KANYA!"

hindi na sumagot pa ang nanay.. pinatahan na lamang nito ang kanyang anak..pinipilit na intindihin ang babae.

yung isang bata naman nakatingin lang sa pintuan ng Operating Room.. hinihintay na lumabas ang Doctor para ibalita kung anong nangyari sa kaibigan niya.

maya maya ay lumabas na rin ang Doctor.

"DOC, KAMUSTA PO YUNG ANAK KO?" agad na tanong ng babae.

"Misis, Marami pong dugo ang nawala sa kany----"

"TINATANONG KO KUNG KAMUSTA NA ANG LAGAY NIYA!"

medyo nabigla ang Doctor at yumuko.

"We need a blood donator for her."

parang nahigit ang hininga ng babae sa binalita..

"Tita.. Diba hindi mo naman siya tot-----?"

naputol ang pagtatanong ng bata nang biglang may nurse na lumabas mula sa Operating Room.

"DOC! ANG PASYENTE!"

agad na pumasok ang Doctor.. sila naman ay pinigilan ng mga nurse..

sumilip sila sa bintana... nakita nila....ang batang nag-aagaw buhay.

"1...2..3..CLEAR!" sigaw nung doctor sabay lagay ng defibrillator sa bata.

"1...2...3..CLEAR!" sigaw ulit nito.

"One more.. 1...2...3..CLEAR!"

napahawak na sa bibig ang babae...at mas lalong nanghina.. dahil sa narinig.

isang tunog lang....isang tunog na dahilan kaya nahigit ang hininga nilang apat.

isang tunog....*tooooooooooooooooooooooooooot*

isang tunog na ang ibig sabihin....wala na siya.

which only means....that's HER last Heartbeat.

My Last Heartbeat [KathNiel. JulQuen. NashLene]Where stories live. Discover now