MLH 23~ Shocked?

4.7K 66 11
                                    


                                                23. Shocked?

Loureine's POV


"Lora, don't forget ah. Next week kailangan matapos na natin yung group project."

"Oo, Nina. Pupunta ako sa inyo sa weekends. Hindi kita papabayaan doon."

"Oh sige. Una na ako."

tumango ako kaya naman umalis na siya.

ako naman nag-aayos ng gamit dahil 3:15 na! letse. late na late na oh. kupal magovertime netong prof namin eh!

lumabas na ako at pumunta na sa library. tuwing Friday kasi dito kami nagkikita, kaming anim.

daya nga eh. si Andrea, Zachary, pati Scarlett magkaklase sa last subject. si Nathan at Johnrey naman magkaklase ren. ako lang nag-iisa. ang punyemas, late ako ng 15 minutes ngayon. demanda ko kaya prof ko?

 nakabusangot lang akong pumuntang library... duh naman! nasaan si Nathan? Eh ngayon lang niya ako hindi sinundo ah

"Walang ya, nambabae yata ang loko." bulong ko sa sarili ko.

urgh!

Yan ang mahirap eh! Sinasanay ka ng mga tao sa isang bagay na di naman pala nila habangbuhay gagawin sayo! kaya minsan mahirap kapag nasasanay kang ginagawa yun sayo nung tao eh.

kaimbyerna.

naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa Library.

WALA!

WALA NI ISANG TAO MULA SA AMING ANIM.

ano yun? gumala na sila? iNIWAN NILA AKO?!

lumapit ako doon sa librarian.

"Miss Kaye, Nandito po ba sila Nathan kanina?"

"Oh, Loureine. Wala nga eh. Ni isa walang pumunta. nagtataka nga ako kung bakit wala kayo ngayon eh. Pero naisip ko baka nagkita kita na kayo... Hindi pala kayo magkakasama?"

Haluh.

Anyare sa mundo?

"Sige, Thank you po Miss Kaye."

lumabas na ako habang kinakalikot ang cell phone ko para tawagan si Andrea.

Calling: Andeng

My Last Heartbeat [KathNiel. JulQuen. NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon