MBG - 54

132K 1.4K 360
                                    

CHAPTER 54

DANIEL'S POV

Sapak dito, sapak doon.

Sipa dito, sipa doon.

At syempre yung iba gumagamit na ng weapon tulad ng baseball bat, swiss knife, mga bote, at ang iba nga may baril pa eh. Pero iniiwasan pa nila magpaputok sa ngayon masyado pang maaga para gumawa ng ingay.

May makakasalubong ako at nagbigayan na kami ng malulutong na suntok. Napatumba ko pa rin naman siya.

Sa di kalayuan nakita kong may hahampas sana ng baseball bat sa likod ni Jerome pero okay fine mabait pa ako kahit papano tinulak ko yon at tinadyakan.

"Salamat." sabi ni Jerome

"Kapatid ka pa rin ng Penelope ko kaya ko ginawa yon."

Ngumisi siya. "Ge isusumbong na lang kita sa kanya."

"Isusumbong na lang din kita kay Julia. Magsumbungan tayo."

"Hahaha. Gago."

"Gago ka din."

Nag-fist bump na lang kami at nagtalikuran.

Napansin kong dala-dalawa ang kaaway ni Lester. Hinila ko ang tshirt nung isa para siya naman ang maka-away ko.

"Wag niyong dadalihin si Lester. Wala pang lovelife yan." sabi ko sabay isang sapak.

"Tangna mo brad, salamat." sabay sapak ni Les dun sa isa pa niyang kaaway.

"Walang ano man. Alam mong mahal kita eh."

"Peste."

Nakipag bugbugan lang kami ng nakipag bugbugan. Sa totoo lang hindi na namin alam kung sino pa sa mga to ang kakampi namin o hindi. Basta ako alam kong kakampi ko ang barkada ko, ang Black Cards. Okay fine singit na din natin yung White Cards.

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon