MBG - 39

170K 1.6K 360
                                    

CHAPTER 39

NORMAL POV

Nagising si Kath na parang pagod. Mabigat pa yung pakiramdam niya. Medyo halata din ang pagka maga ng mata niya sa kakaiyak buong gabi.

Pumunta siyang kusina pero walang tao. Sa sala, wala. Kumatok siya at binuksan ang pinto ng kwarto ng mga kaibigan niya pero walang tao.

Sumilip siya sa labas ng gate nila pero mga kapitbahay lang niya andun.

"Nasan kaya yung mga yon?"

Pumasok na ulit siya para magluto ng almusal. Sakto naman nang naghahain na siya ay may kumatok sa pinto. Pinagbuksan niya iyon at nakita niya ang mga kaibigan niya na mga naka pantulog pa.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.

"San kayo galing?"

Walang sumagot sa kanilang dalawa.

Pumasok na sila pareho at pa diretso na sa kusina.

"Hindi kayo dito natulog kagabi?"

"Hindi." Sofia

"Eh ba't di man lang kayo nagsabi!"

"Kaya nga eto na diba? Maaga umuwi para magsabi." Bianca

Nagtataka naman si Kath sa pagiging cold ng dalawa.

"San kayo natulog? Umalis kayo ng ganyan ang itsura?"

"Sa bahay nila Enrique." Bianca

Nagulat naman si Kath na naglalagay ng pinggan sa lamesa. Yung dalawa kasi umupo na.

"Ha? Bakit?"

"May kaawa awa kasing lalaki sa may gate kagabi. May mga sugat at basang basa ng ulan." Bianca

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon