MBG - 25

184K 1.9K 423
                                    

CHAPTER 25

JEROME’S POV

Heto nanaman siya umiiyak.

Nasasaktan ng harapan.

At heto nanaman ako tinitignan siya habang tumutulo ang mga luha niya.

Hindi ko kayang basta tignan na lang siya.

Hinila ko siya papalapit sakin at inakap.

“Sshh. Please stop. I can’t take to see you cry because of him.. again.”



“Jerome.. bakit ganon? Bakit kahit anong pilit ko hindi ako yung mapili niya? .. Akala ko ba kunwari lang yon pero yung kanina.. bakit ganon?” she said in the middle of her sobs


“Masyado mo kasi siyang mahal.” putek kinaya ko sabihin yon?!

“Eh bakit ikaw kahit lagi kang nasasaktan hindi mo padin ako iniiwan? Bakit sa dami ng sakit na binigay ko sayo.. ako padin?”

Tinatanong pa ba yan..

“Sa dinami dami ng sakit na dulot mo may isang dahilan lang ako para hindi ka sukuan..”

“Ano yon?”

“Mahal kita. Sapat na dahilan na yon para malaman mong kahit anong sakit tatanggapin ko.. kasi ikaw ang mahal ko. Ikaw ang kaligayahan ko.”

“Jerome..”

At umiyak na lang siya ng umiyak.

Maya maya dumating na sa kinatatayuan namin ang iba pa naming kasama.

“Oh JULIA?! Bakit ka umiiyak?” tanong ng pinsan niyang si Sam.

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon