Finale

1.1K 39 19
                                    

[ Cashmere ]

Ang lamig.

Ang lamig ng simoy ng hangin, napaka payapa sa pakiramdam ito na ba yun? Yung pakiramdam na malapit na yung hangganan ng buhay ko?

Panginoon, kung malapit na ang hangganan ng buhay na binigay nyo sakin, buong puso ko na po itong binabalik sa inyo. Maraming salamat sa buhay na binigay nyo sa akin, sa napaka gandang buhay na biyaya nyo. Isa na lamang po ang hiling ko ang makita sya kahit sa huling pagkakataon nalang.

Nakaramdam ako ng matinding panghihina, hindi ako makahinga nanlalabo narin ang aking paningin nahihilo ako. Bakit ganito hindi ba pwedeng mamatay ng payapa? Alam kong may sakit ako ngunit bakit napaka sakit naman ata mamatay ng ganito?

"Anak" napalingon ako kay Mama, kitang kita sa mukha nya na nag-aalala sya sa akin. Kung kaya pinilit kong itago sa kanya ang sakit na nararamdaman ko.

"Anak ayos kalang ba?" nag-aalalang tanong nya, napansin nya siguro ang pagbawi ko ng aking hininga, hindi ko na kaya nanghihina na ako.

*cough*

*cough*

Dugo napaka raming dugo. Pakiramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko inaantok ako.

"Mama~ matutulog lang ako ha?" nanghihinang sabi ko sa kanya hindi sya sumagot pero tumango sya sunod sunod nadin ang pagpatak ng mga luha sa mata nya.

"Anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin, kahit na anong mangyari. Magiging maayos din ang lahat" pillit itong ngumiti sa akin gumanti lang din ako ng ngiti.

"Mahal na mahal ko din po kayo Mama."

--

[ Cassandra ]

"A-anak" tawag ko kay Cashmere na mahimbing na nakapikit. Hindi, hindi maari.

"Anak!!!" patuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Hindi totoo ito, panaginip lang lahat ng ito.

Mariin kong pinikit ang aking mata. Bakit, bakit kaylangan mangyari ito.

"Anak" *sob*

"Mahal na mahal ka namin~" napaka sakit ang kaisa isang anak namin nawala na iniwan na nya kami, tinalikuran na naman ba kaming muli ng Dyos? Sya lang ang kaisa isang anak namin pero bakit ganito.

"Wifey" agad akong napatayo at automatikong napayakap sa asawa ko.

"Iniwan na nya tayo Paul. Ang sakit wala na sya! Wala na ang kaisa isang anak natin" sumasakit ang dibdib ko hindi ko na yata kaya tong sakit na nararamdaman ko, hindi ko kaya hindi ko kayang mawala sya.

Hindi umiimik si Paul nakayakap lang sya sakin. ramdam na ramdam ko ang sakit nya at hinagpis.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bumukas ang pinto at iluwa si Zeraphiel

kasama si

Cyrus.

Bakit ngayon pa?

Kung kailan huli na ang lahat?

---

[ Cyrus ]

Pagbukas namin ng pinto, nakita namin si Tita Cassandra at tito Paul na magkayakap, umiiyak si Tita Cassandra napadako ang tingin ko kay Cashmere.

NApakapayat nya maputla at mahimbing na natutulog. Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang humagulgol ng iyak si Tita Cassandra napayupo pa ito sa sahig wala ng nagawa si Tito paul kundi ang yakapin si Tita Cassandra.

"ANAK!!!!!!!!" *sobs* walang tigil sa pagiyak si Tita Cassandra hindi ko alam pero bigla akong kinabahan hindi ko magawang lumakad papalapit kay Cassandra.. Pakiramdam ko pinagsakluban ng langit at lupa ang puso ko.

"Cashmere" tawag ko sa kanya pero hindi sya nagigising inalog alog ko sya pero wala padin.

Hindi, hindi to maari huli naba? huli naba ang lahat?

Kusang nagbagsakan ang mga luha ko, bakit? Bakit?

Ang sakit.

Ang sakit makitang wala ng buhay ang babaeng mahal mo.

Kahit nagawa ko syang alisin sa isip at puso ko noon hindi parin nagbago ang pagmamahal ko sa kanya, kahit pilitin kong itago ito at magmahal ng iba. sya parin talaga at ngayon ko lang naisip lahat ng iyon.

Ngayon pa kung kailan huli na ang lahat.

Cashmere patawad nahuli ako ng dating.

Cashmere pangako

magkikita tayong muli.

At kapag dumating na ang araw nayon. walang pagdadalawang isip kong ipagsisigawan sa mundo

kung gaano kita kamahal.

Antayin mo lang ako Cashmere.

-----
End

The Fallen Fearless Witch [FIN]Where stories live. Discover now