[5] School Day

1K 33 4
                                    


--

[Cyrus]

"Ankyuuuuuuuut talaga ni Cyrus!" tili ng isang babae, anu ba naman yun. para ba namang bagong bago na lagi nila akong nakikita sa school.

"Hello Cyrus!!" Tawag na naman nila sakin, ngumiti lang ako at nag wave sa kanila ayun nagtitili na naman sila.

Buti nalang mamayang hapon ko pa pinapasok si Cash kung hindi abot abot na issue na naman ang kakalat. masyadong binibig deal ng mga tao sa school nato lahat kainis lang. kelan ba ko matatahimik.

"Pre musta?" tawag sakin ni Samuel isa sa tropa, mabait player ng chess yan. puro board games lang ang nilalaro ayaw daw nyang napag papawisan.

"Okay lang" bored na sagot ko sa kanya.

"Mamayang hapon pa ata papasok si Tristan eh. tinatamad daw sya" Si Tristan isa sa mga tropa, maingay pero tamad pumasok tatlong beses nga lang ata kung pumasok yun eh. pero kahit isa sa mga exam nya hindi bumabagsak.

"Eh si Cedric?" tanong ko ulit sa kanya, nagkibit balikat lang sya saka naglakad na ulit.

Si Cedric, pinaka tahimik laging naka headset di kumikibo bihira kung sumagot di sya mahilig sa sports pero isa lang masasabi ko sa kanya Bookworm ang taong yun.

Naglakad na kami papunta sa first subject namin which is P.E nakaka sura! bakit P.E aga aga naman P.E agad!

Pagdating na pagdating ng prof namin agad kaming pinaupo sa bleachers.

"Good Morning. hhmm" napahinto sya then parang may hinahanap sya kasi palinga palinga sya. "It seems na wala dito yung bago nyong classmate, dagdag pasaway na naman." huminto ulit sya tapos tinignan nya yung student list nya. "Pauline Cashmere Craft-Santos." ah yun pala yung name ng bago naming--- w-wait teka?

ANO DAW?

"Present po maaaaaaam!!" \\(^___^) nakatayo nyang sabi.

O______O

SHIT!!!! This can't be!!

"Ang ganda nya"

"Wirdo"

narinig kong bulungan ng mga classmate namin.

Bakit dito sya? argh!!

"Okay akala ko wala ka pa. Please magpakilala ka" sabi ni maam,

"Good Morning ^____^ I'm Pauline Cashmere, Nice to meet you all." Sabi nya tapos maglalakad na sana sya pabalik sa upuan nya ng makita nya ko.

Pinanlakihan  ko sya ng mata na parang sinasabing wag mo ko tawagin pero pambihira!!

"Hello Cyrus!!" tawag nya saka naglakad papunta sa pwesto ko.

"Ang bad mo iniwan mo ko sa bahay" naka pout na sabi nya.

Anak ng pating naman oh!!!

"Tell me girls, nabibingi lang ako dba?" narinig kong bulong ng isang babae.

"Tama ba yung narinig ko?" ang dami kong naririnig na bulong bulungan. pisti naman tong mangkukulam nato oh!

"Ang bad mo naman iniwan mo ang pinsan mo." sabi nya saka ngumiti ng malapad.

After nun may narinig naman akong bulungan pero diko na pinansin sumasakit lang ulo ko sa kanila/

"Bat di mo sinabi na may ganyan ka pala kagandang pinsan" bulong sakin ni Samuel, napapailing nalang ako.

Pasaway talaga.

Cashmere naman.

"P.E time punta na sa field!" sigaw ni mam.

"Awtsu maaaaam!" reklamo ng mga classmate namin.

"200 meter dash!" sigaw na naman nya.

"Pano po ako miss?" tanong ni cashmere nagtinginan naman sa kanya lahat wala pa kasi syang p.e uniform kaya naka daily uniform lang sya.

"Excuse ka muna ngayon" sabi ni maam.

"Kung yung P.E uniform po ang inaalala nyo miss meron po ako" nakita kong tinaas nya yung daliri nya.

"STOP!" napasigaw ako. saka ko binaba yung kamay ni Cashmere saka sya hinila sa lugar kung san walang ganong tao.

"Bakit cyrus?" tanong nya.

"Wag kang gumamit ng magic magic mo dito Cash. Saka please wag kang gumawa ng kalokohan" seryosong sabi ko sa kanya. nag thumbs up naman sya.

"Gotcha!!" sabi nya saka sya naglakad ulit pabalik sa mga classmate namin, napapailing nalang ako habang naglalakad ulit pabalik din don.

"Sorry Miss, wala po pala akong ganyang damit" sabi nya tapos naka sad face pa sya nanlaki yung mata nun prof namin tapos hindi mapakali.

"Ankyut mo, wag kana magpakyut okay lang basta next meeting dapat may uniform kana" sabi ni maam. ngumiti naman ng malapad si Cash saka nag thank you.

ISIP BATA talaga.

---------


The Fallen Fearless Witch [FIN]Where stories live. Discover now