TTNWII: The Fallen Fearless Witch

6.3K 44 6
                                    

SEQUEL of The Three Naughty Witches.

----

"Pauline Cashmere Craft-Santos!!!!!!" sigaw ng aking guro dito sa aming paaralan.

Walang iba kung hindi sa Witch Academy.

"Hihihi! Takbo Pao!!!" tatawa tawang habol sa akin ng aking kaibigang si Zapher.

Napangiti ako ng malapad sa aking narinig at lalo pang binilasan ang aking pagtakbo!

"Bumalik ka rito Pauline!!!" nilingon ko ang aking guro nakapatong ang dalawang kamay nya sa kanyang mga tuhod at tila ba pagod na pagod sa paghabol sa akin.

"Ano ako tanga? tatakbo saka babalik sayo? Utuuuut hahahaha!!" saka ako tumakbo pa ng mas mabilis para hindi nya ako maabutan

Bakit yun ay dahil sa pinakawalan ko lang naman ang mga alaga nitong palaka mula sa kanya kanyang nilang lalagyan. ginagamit ang mga ito sa aming aralin tungkol sa pagbuhay ng mga hayop.

Yoon nga lang nahuli nya ako sa akto na pinakakawalan ang mga ito kung kaya dali dali akong tumakbo papalabas.

At ang nakakainis hindi ko magamit ang aking mga spell dahil sa pinagbawal ito dito sa aming paaralan.

nilagyan nila ng napaka lakas na spell ang boong paaralan gayundin ang paligid nito upang walang makagamit ng mahika.

"Pauline!!!" aba aba!! hindi ba sya tumitigil hay nako takbo pauline takbo pauline!!

wooosssshhhh!!!

"Waaaaaah!! M-mama? P-papa??" nagulat ako at napahinto sa pagtakbo ng makita kung sino ang aking nasa harapan.

"Pauline Cashmere!!! Ano na naman ba ito?" sigaw nya sa akin automatiko naman akong napatakim ng aking tenga sa pagsigaw nya.

"M-mama w-wala po!!" pagdedepensa ko pero lalong naningkit ang mga mata nya at tumingin ng diretso sa akin. pero biglang nanlaki ang mata nya dahil nakita nya ang aking guro na tumatakbo parin at hinahabol ako.

"Your dead baby haha!!" si papa eto parang timang tinawanan pa ako.

"Mag-uusap tayo pag-uwi natin sa bahay. pero sa ngayon halika na!" with a snap napunta kami dito sa bahay namin.

Ang daya bakit sya nagagamit nya ang mahika nya kapag nasa school kami!! isang malaking kadugaaaaaaan!!! *pout*

"Ikaw ikaw ikaw oo ikaw nga!! Anung ginawa mong kalokohan! Mali let me rephrase it again! ANONG GINAWA MO NA NAMANG KALOKOHAN!" bulyaw na naman nyang muli sa akin.

"Wifey Easy lang chiiiiilll para ka namang hindi~ ooppss sabi ko nga tatahimik na eh haha!!" napasabukot ako ng mukha ng makita ang reaksyon ni papa ng samaan sya ng tingin ni mama ng sumabat ito sa usapan.

Matatawa na sana ako kay papa sa pagtataas nya ng dalawang kamay nya bilang pagsuko pero sa sitwasyon ko ngayon malabong matawa ako!

Oh no!! I'm dead!!

"Pauline Cashmere!! bla bla bla bla bla!!"

pakiramdam ko isang milyong taon akong sinermonan ng aking mahal na ina pero saglit lang naman! katunayan nga nito wala akong naintindihan bla bla bla lang!! xDD

Oh wait!!

Hindi pako nagpapakilala pero sila maghapon nilang binanggit ang pangalan ko.

Ako si Pauline Cashmere Craft-Santos at ang aking mga magulang ay sina Cassandra Craft at si Paul Santos. Si Mama ay pure witch samantalang si Papa naman ay isang mortal . kung ilang taon na ako ang sabi ni papa sa kanilang mundo raw ay 15 na ako.

Well dito sa aming mundo hindi ko alam wala kasing ni anu mang palatandaan sa mundong ito.

"Haha! kamusta buhay paba baby?" tumabi sa akin si Papa nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno habang nakasakay sa isang duyan at pinagmasdan namin ang napaka gandnag lake nasa aming harapan.

"Magka-ugaling magka-ugali talaga kayo ng mama mo baby" napatingin ako kay papa na nakangiti lang habang nakamasid sa lawa na nasisikatan ng papalubog na araw.

"Kaya mahal na mahal ko kayong dalawa eh." napangiti ako ng matamis sa kanyang tinuran.

Kung may bagay man akong hinahangaan sa aking ama, ito ay yung kahit isa syang mortal na kahit hindi sya marunong gumamit ng mahika tulad namin.

mahal na mahal nya kami ni Ina.

-----

OHA!! xDD

The Fallen Fearless Witch [FIN]Where stories live. Discover now