#PSYWagasNaPangako

5.4K 219 30
                                    

"Ako si Yna Macaspac, ipinanganak sa Talimpao at dito din naging ulilang lubos. Iyon ang alaala na meron ako,namatay ang pamilya ko sa trahedya." nakapikit ako habang lumulutang sa malamig na tubig sa malawak na lawa sa Talimpao.

Lumaki ako kasama ang mga kumupkop sa akin, namuhay sa isang katauhan na hiram at binihisan. Yung buhay na parang may puwang na hindi napunan at napupunan. Malaya akong lumalangoy at nagiisip ng malalim tungkol sa mga bagay na nangyari sa loob ng halos apat na taon.

Dito, sa lawang ito mismo nagsimula kame mismo ng aking pinakamamahal na si Anghelo.

Napadilat ako at hinanap siya agad ng mga mata ko. Dinungaw ko ang balsa kung saan kame nakasakay kanina pero walang tao doon. Napahawak ako sa dibdib ko. Sa kwintas na may pangalan ko.

"Anghelo!" sigaw ko ng isang beses.

Lumingon ako, pero wala siya. Hindi ko siya makita kahit sa tubig. Yung kabog ng dibdib ko biglang bumilis. "Nasaan na ba siya?"

"Anghelo! Ano ba? Lumabas ka na! Hindi ka nakakatuwa!" halos maiyak ako sa pagtawag sa kanya. Hinilamos ko ang mukha ko dahil hindi ko alam ang gagawin.

Naala ko noon, ang unang pagkikita namin sa balsa. Isang pagkakataon na binigay ng tadhana sa amin, pinag krus ang landas naming dalawa. Sa mismong lawa, at sa mismong balsa.

Bumalik ang isip ko sa maaring aksidente na nangyari sa kay Angelo.

"Anghelo!" sigaw ko sa kawalan. Pero wala pa ring sagot.

Yung huling beses na nandito kame, nadulas siya sa balsa at natamaan ang ulo sa matigas na bahagi nito at nawalan ng malay pagkatapos nahulog sa tubig, muntik pang malunod. Hindi ko yon makalimutan dahil yun din ang unang beses kong nakita ang mukha niya ng malapitan.

"Gwapo..yung labi, parang ang sarap dampian.." iyon ang una kong naisip noon. Unang beses ko pa lang nakita ang mukha niya sa harap ko, alam kong hindi ko na makakalimutan ang mukhang iyon.

"Kuya...kuya.." pinipilit ko siyang gisingin. Hiningi ko na sana hindi siya tuluyang nalunod. Pero hindi siya kumibo. Ang naisip ko na lang noon ay bigyan siya ng hangin sa pamamagitan ng mouth-to-mouth.

"Anghelo naman eh! Wag ka ngang mang trip ng ganyan, lumabas ka na!" sigaw ko ulit ng umiiyak sa ibabaw ng balsa. Balisang balisa ako kung bakit hindi ko siya mahagilap. Gusto ko ng tumalon uli para hanapin siya.

Dali-dali akong lumusong sa tubig para hanapin siya. "Dyos ko,wag naman sana.." dasal ko ng taimtim.

Bago pa ako tumalon sa tubig ay naramdaman ko na ang dalawang bisig na humila sa akin pailalim ng tubig mula sa likod. Pumiglas ako at pinakawalan naman niya ako. Tumalikod ako, dahan dahan ang galaw ko dahil nasa ilalim kame ng tubig lawa.

Ayun at nakangiti sa akin si Anghelo,na suot ay pantalon lang. Kumikinang ang singsing na suot niya sa ilalim ng tubig. Nawala ang kaba ko kanina. Napalitan ng kabog ng dibdib dahil sa saya.

Hindi ko kayang isipin na hindi na siya makita pa. Hindi ko kaya.

Hinila niya ako sa bewang sa ilalim ng tubig, parehas naka tikom ang bibig para hindi mapasukan ng tubig, pero ang mga mata namin ay hindi naalis sa isat isa. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha ko sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa leeg ko at pinagdikit niya ang mga labi namin sa ilalim ng tubig.

Saka pa lang namin binuka ang bibig namin parehas para tugunan ang halik na hinihingi namin sa bawat isa. Halik na hangin para sa aming paghinga, halik na uulit ulitin, halik na sapat na para mabuhay.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon