The Proposal

9K 239 22
                                    

Mag aala una na ng madaling araw. Napagod din si Takong sa kakaharot,si Tatay Boss nag aya ng umuwi tulog na kasi si Red. Si Chef Jen nalasing pa yata.

Halos wala na silang energy,nagliligpit na rin ang iba.

Si Yna,nakasandal sa akin habang nilalaro nya ang mga daliri ko sa kamay.

Malamig sa tabi ng pool kung saan kame nakaupo pero nababawasan ng kaunti dahil sa malaking tuwalya nakabalot sa aming dalawa. Yung ulo nya nasa may dibdib ko wari'y pinapakinggan nya ang bawat tibok ng puso ko. Ang isang kamay ko naka akbay sa kanya na minsan minsan nilalaro ang tenga nyang madalas kong halikan. Haplos nya isa kong kamay,gumuguhit ng kung ano ano gamit ang mga daliri nyang maliliit.

"Yna pakasalan mo na ako.." napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin sa akin.

"Loko loko." sabi nya ng tumatawa.

Iniangat ko ang mukha nyang nakatawa,umiiwas ng tingin. Dahil ramdam nyang hindi basta kalokohan ang mga sinabi ko.

"Oo baliw na yata ako,pero hindi ako nagbibiro. Sumisikip ang dibdib ko pag naiisip kong malalayo ka sa akin.."

Nakatingin sya sa mata ko, naluluha. ang dami ng luhang iniyak ni Yna para sa akin. Gusto ko lang naman sya mahalin.

"Minsan gusto na lang kitang itali sa tabi ko. Yung alam kong lagi kang malapit, lagi kang ok,lagi kang masaya..gusto lang kitang mahalin Yna,di ko alam anong masama at di katanggap tanggap don.." Napiyok ako sa huling salita. Napapikit ako at tumingala.

Naramdaman kong inalis nya sa amin ang tuwalya na nakabalot sa aming dalawa at sunod na naramdaman kong bumaba sya sa tubig na hawak pa din ang kamay ko.

Walang syang sinabi doon sa mga binanggit ko.Basta inaya nya lang akong samahan sya.

"Halika, sarap ng tubig o.."

Lumingon ako saglit at narealize na kame na lang pala ang naiwan sa pool area. Tahimik na ang kaninang punong puno ng kwetuhan at tawanan. Ang ingay na lang na maririnig ay ang kaunting galaw sa pool at ang tibok ng puso namin.

Bumaba na rin ako para samahan sya.Pagkababa ko niyakap ko sya galing sa likod. Pinulupot ko ang bisig ko sa maliit nyang bewang habang naka sandal ang ulo ko sa balikat nya binigyan ko ng halik ang leeg nya at napapikit, ramdam kong pumikit din sya dahil dumiin ang hawak nya sa mga kamay ko.Tahimik lang kame,ilang sandali ang nakalipas na walang nagsasalita. Hinarap ko sya sa akin.

"Yna,gusto kita makasama habang buhay, binago mo takbo ng buhay ko, hinintay mo na mabuo ako at hinayaan mo kong mahalin kita.." kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa dibdib ko "..at ito, iyong iyo."

Handa naman ako na maari ang isasagot nya sa akin ay hinde.

Pero kahit konti umaasa ako na baka, na pwede.

Pwedeng ngayon na,maaring papayag sya.

Habang nakahawak ako sa bewang nya mas nilapit ko sya sa akin,hinawakan nya ang mukha ko.

Hinaplos ang bawat sulok ng pagkatao ko,simula sa mata kong sya lang ang nakikita, sa ilong ko sa labi kong laging sabik sa halik nya.

"Alam mo,ngayon lang ako nagmahal ng ganito,ngayon lang ako nagmahal pala period.." tumigil sya.

"..sinabi ko sayo na madami pa akong pangarap,gusto ko matupad lahat yun." tumingin sya sa mga mata ko,kita nya siguro ang lungkot.

Nakuha ko na ang sagot,ayaw nya.Ayaw pa nya at kahit naintindihan ko wasak pa rin yung puso ko.

"Pero,maiksi yung buhay.Maiksi para hindi ko tuparin lahat ng pangarap ko ng sabay sabay kung pwede naman. Alam mo bang pangarap ko din maging asawa mo, kasama mo sa buhay,uuwian mo at magiging nanay ng kahit ilang anak na gusto mo.Pangarap ko din..." hindi na nya natuloy dahil sa halik ko,hinalikan ko sya ng madiin,ng walang takot.

Hindi na kelangan pang sumagot dahil sa tipo ng halik na ibinabalik nya 'Oo papakasalan nya ako.' Lumalim ang halik,ang kamay kong nasa bewang nya unti unti hinahaplos ang likod ni Yna na nakayakap na ng mahigpit sa leeg ko.

Ramdam kong hirap syang abutin ako kaya pinulupot ko ang binti nya sa bewang ko at inangat sya.

Walang bumitaw sa sagutan ng labi, unti unti kameng nawala sa mundo na magulo,hanggang sa nakasandal na pala sya sa semento.Nasa gilid na pala kame ng pool, tumigil kameng nakangiti.

Magkalapit pa rin ang mukha,amoy ko ang mainit nyang hininga. Ramdam ko sya at alam kong ramdam nya rin ako.

"I love you Yna.."

"I love you too.." at hinalikan ko ulit sya ng mababaw ng ilang beses at ganun din sya.

Bumaba ang halik ko sa leeg nya papuntang balikat,mababaw at mabagal na halik.Madiin ang hawak nya sa leeg ko at kita ko ang mga mata nyang nakapikit.Ang gandang pagmasdan,at naisip ko ang swerte swerte ko makikita ko ito habang nabubuhay ako.

Saksi ang swimming pool sa pagmamahalan namin sa malamig at tahimik na madaling araw na yon. Na ang init at ingay na maririnig ay galing lang sa aming dalawa ni Yna.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon