Tugtugpak! (Special Chapters)

5.8K 318 80
                                    

Busy si Kathryn sa kanyang cellphone and she doesn't seem to mind me. Humiga ako sa lap niya making her look at me "Tired ka love?" tanong niya sa akin.

Nakatingala ako sa kanya, her chest slightly in the view but her lips are the best view from here. Mamula mula na naman, sarap halikan.

Halos hindi na kame natapos magbihis kanina sa hotel room to attend the dinner na naimbitahan kame dito sa Vietnam.

Huling gabi na namin, and I plan to leave a memory in Vietnam. Para may baon kameng alaala in every place we go.

Nasa likod lang namin si Mama Min kaya hindi ako pwedeng humarot ng todo kaya bumulong ako. "How long can you last later?" holding her hand intertwined in mine kissing the back of her palm playfully.

"Bally." pinandilatan niya ako tumingin pa siya sa likod kung narinig kame ni Mama Min.

Inangat ko ang ulo ko and saw that she was busy on her phone too,kausap niya si Rye. Kaya sigurado ako di niya kame narinig.

"Sige na..huling gabi natin sa Vietnam." sabi ko, nag puppy eyes pa ako sa kanya hoping madaan ko sa charm. Nag pout pa nga ako para lang pumayag si Kath.

Binaba niya ang phone niya and smiled. Ayan na papayag na yan. Naghyhyper ang kaluluwa ko. Excited akong matapos ang dinner, may dessert pag uwi.

"Mmmmmmkkkaaay..pero we'll play a game first." nagsuggest si Kath.

There she goes again with her games. Alam niyang it really turns me on.

Who would lose the flame when she keeps our love burning like this? Parang araw araw mas minamahal ko siya,mas nahuhulog ako,nalulunod kay Kathryn at hindi na makaahon.

She keeps me excited. She gives me feelings others will be jealous of.

Pag kay Kath,parang laging bago,laging first time. Kapag malaman ng iba kung paano si Kathryn pag kameng dalawa na lang, I swear they will kill to get her.


Best is even an understatement para idescribe siya as a woman,my woman.

Bumangon ako sa pagkahiga sa lap niya at tinabihan siya. "Kahit anong game pa yan, I'm in." bulong ko sa kanya and smirked.

"Rock,paper,scissors.." sabi niya.

Ano? Bato bato pik lang? Walang challenge.

"Jack en Poy? You want to play that?" sumiksik ako sa leeg niya.

She turned to me and said in whispers sexy as hell "Yes. Whoever scores the most will decide...how many rounds, how ever and how rough he/she wants it." inemphasize pa ang how ever at how rough putangina.

"Game. I'm ready. I'm so ready." ginaya ko pa ang linya ni Angelo sa Pangako Sayo at natawa siya.

I slide my hand on her back to hold her by the waist, hinila ko siya malapit na malapit sa akin at sinabing "Kain kang madami,because I am going to win." kinikiliti ko tenga niya sa pamamagitan ng pagsasalita doon.

Tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay "You wish!" sabay tawa, ginaya naman niya si Yna.

Hinigpitan ko ang hawa sa bewang niya,pinagigilan ko na naman.

Sa isip ko "Lagot ka sa akin mamaya."

Tapos na ang dinner and I started giving her hints to start our little game.

Nagpa video pa siya para daw hindi ako mandaya.

Kinindatan ko pa siya bago kame mag simula. Halatang tensed si Kath. Masarap sa pakiramdam na hanggang ngayon pinapakaba ko pa rin pala siya.

Nag simula na kame, una siyang naka score tapos ako tapos nag 2 all kame. Seryosohin ko na tong laban dahil kailangan manalo ako. Sure naman ako pag ako nanalo,panalo pa rin siya.

"Tugtugpak." sabi ko habang naglalaro kame. Hindi ko alam saan galing, baka sa isip ko iniisip ko ang tunog na magaganap mamaya.

Ako ulit ang naka score kaya ang laki ng ngiti ko.

Kabang kaba na siya ng naunahan ko na siya 4 na score ko samantalang 2 pa din ang sa kanya.

"Pukpukpuk.." imbento ko ulit. Kung ano ano lumabas sa bibig ko. Pero excited lang talaga ako.

Napahiyaw siya dahil sa huling beses,natalo siya sa laro namin. Wala siyang nagawa kundi hampasin ako.

Samantalang tuwang tuwa ako dahil 5 na ang score ko. Makakai-score na ako.

Masaya ang biyahe pabalik ng hotel,punong puno ako ng energy. Nangingiti naman sa akin etong katabi ko.

Wag mo ko idaan sa ngiti, dahil icleclaim ko ang prize ko.

"How many rounds. How ever and how rough." inulit ko ang mga ginamit niyang salita kanina.

Kunyari di niya ako pinapansin.

"Mama Min.." tawag ko sa likod sa Mama ni Kathryn.

"Yes?"

"Don ako kay Kathryn matulog ha...tabi kame." sabi ko na parang wala lang, na normal lang yung ganun.

"Dj...maaga matulog." bilin niya sa akin. Hindi naman umiimik si Kathryn sa tabi ko.

"Opo. May rematch lang kame." sabi ko

"Re match?!" sabay nilang sigaw na tatlo sa likod.

"Re match ng tugtugpak pukpukpuk." sabi ko habang dinedemo ang jack en poy.

Tumawa silang tatlo sa likod.

"O yun lang ha." bilin niya uli sa akin.

Di ako sumagot agad at nakita ko nakatingin sa akin si Kath "Opo, limang rounds lang ng tugtugpak." sabi ko habang nakatingin kay Kathryn.

Napadilat siya sa limang rounds.

Yes Kath, five long rounds.

She wanted to protest but I quickly
went down to her lips and gave her a smack to silence her.





Vietnam, best trip ever.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now