My Favorite Sin - 08

31.8K 478 74
                                    

WADE



Kinabukasan ng hapon ay bumalik ng bahay si Vince na may kasamang kaibigan. Gwapo rin ang kasama ni Vince bagama't hindi ko gaanong type dahil masyadong malaki ang katawan. Mukhang araw-araw yatang nagbabad sa gym kaya parang bato-bato na ang mga maskels. Ang sagwa tuloy tignan.



"Hi!" bati ko sa kanilang dalawa pagkabukas ko ng pinto.



"Friend ko nga pala, si Marlon. Marlon, si Wade," pagpapakilala sa amin ni Vince ng kaibigan niya. Nang makipagkamay ako kay Marlon ay naramdaman kong bahagya niyang pinisil ang palad ko.



"Tuloy kayo. Sakto at naghanda ako ng merienda," yaya ko sa kanilang dalawa na lalo pang niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.



"Ang ganda nitong bahay niyo, ah. Ikaw lang mag-isa rito?" tanong ni Marlon habang iginagala ang tingin sa loob ng sala. Hindi na rin siya naghintay na paupuin ko at basta na lang sumalampak ng upo sa sofa. Masyadong presko.



"Oo, eh. Actually bahay 'to ng parents ng mommy ko," pag chika ko na kay Vince nakatingin. Sinenyasan ko siyang sumunod sa 'kin sa kusina. "Vince, tulungan mo naman akong kunin 'yong snacks natin. Marlon, nood ka muna ng TV diyan, ha."



Habang kumukuha ako ng mga platito ay naramdaman kong siniko ako ni Vince. "Ano, na type-an mob a 'yong friend ko?" nakangising tanong niya sa 'kin. "Gwapo noh? Laki pa ng katawan. Tapos game 'yon," pagbibida ni Vince sa kaibigan. There was a sexual connotation when he mentioned the word game.



"Okay lang. He's cute," sabi ko. Pero for me, mas gwapo nang 'di hamak si Vince at malakas ang sex appeal. Hindi man kasing laki ng katawan ni Marlon ang katawan Vince, mas pipiliin ko pa rin si Vince. Ayokong yumakap ng taong bato! Jusme!



"Ano nga pala ang aayusin today?" tanong ni Vince na bitbit na ang isang pitsel ng juice at dalawang bago sa isa pang kamay.



Inilapag ko sa mesa ang bitbit kong tray. "Ipapa-repaint ko sana 'yong dalawang rooms sa itaas pero hindi pa dinadala ng pinsan ko 'yong mga pinabili kong pintura so naisip ko, bakit hindi na lang muna tayo uminom? Umiinom ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.



"Shoot! Tapos bili ka ng maraming pulutan," ani Marlon na nginangasab na ang spaghetti na niluto ko.



"Mahina akong uminom. Pero 'yan si Marlon, mahirap patumbahin sa inuman 'yan," natatawang saad ni Vince. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya dahil masarap sa tenga ko ang tunog ng tawa niya. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay pinanlakihan niya ako ng mata at ilong habang nagtataas-baba naman ang isang kilay niya.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Where stories live. Discover now