My Favorite Sin - 11

26.7K 494 34
                                    

WADE



Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas-singko pa lang ay pababa na 'ko ng sala kung saan naabutan ko sina Vince at Amos na kumakain. Nakasalampak sila sa sahig habang nakasandig si Amos sa balikat ni Vince.



"Good morning, mars," bati sa 'kin ni Amos na halatang masaya. Agad na nakaramdam ako ng bahagyang inis at paninibugho.



"Morning," tugon ko bago dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Naghanap rin ako ng Dolfenal sa medicine cabinet dahil parang binibiyak ang ulo ko. Pero mas masakit ang kirot na nararamdaman ng puso ko.



Sa halip na bumalik ng sala ay pumunta ako sa likod-bahay bitbit ang tasa ng kape ko. Hinamig ko ang sarili ko at pinagmasdan ang payapang lawa. Papasikat pa lang ang araw kaya naman ang ang gandang pagmasdan ng tanawin na nasa harap ko. Kapag namulaklak ang mga tinanim namin ni Vince, siguradong mas gaganda pang lalo ang hardin na 'to.



"Wade, good morning."



Agad na napalingon ako sa pinanggalingan ko nang marinig ko ang boses ni Vince. Mag-isa lang siya at nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalong suot niya. Para siyang modelo na pinilas mula sa GQ magazine. He is oozing with so much sex appeal. And he smells like heaven too.



"Good morning," bati ko rin sa kanya na bahagyang nakangiti. "Nakatulog ka ba nang maayos?"



"Medyo nakatulog naman ako. Nagigising-gising lang ako kasi ang likot ng mga kamay ni Amos," aniyang medyo natatawa. Bigla ko namang naimagine kung saang parte ng katawan ni Vince naglumikot ang mga kamay ng kaibigan kong si Amos. "Uuwi na pala ako. Hinahanap na ako ng lola ko for sure."



Bahagya akong tumango sa kanya. "Balik ka na lang 'pag free ka. Papatulong sana akong magpintura sa loob ng bahay kung okay lang."



"Siyempre, pwedeng pwede. Balik na lang ako mamayang after lunch siguro."



"Sige. Ingat ka pauwi," sabi ko pa.



"Salamat," nakangiting sagot ni Vince na naglakad na papunta sa gilid ng bahay. Sinundan ko naman ng tingin ang maumbok na pang-upo niya. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay saka ko lang binalikan ang kape ko na bahagya nang lumamig. Inisang lagok ko na lang 'yon at saka bumalik sa loob ng bahay.



Wala na sa sala si Amos pero naroon pa rin ang mga kalat na naiwan namin kagabi. Pinaglalagay ko sa supot ang mga balat ng tsitserya, basyo ng bote ng alak pati na mga upos ng sigarilyo at saka iyon dinala sa kusina para isama sa iba pang mga basura.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Where stories live. Discover now