#5 Masquerade Ball

15 2 0
                                    

Kayla*

"Perfect!" sabi ni Jane ng alisin niya yung curlers sa buhok ko. Siya na kasi nag ayos saakin since hindi naman siya mag aattend ng Masquerade Ball.

"Salaaamat!" Sabi ko sakanya then tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Wala namang nagbago e. Dyosa pa'rin ako hehe.

Napalingon kami ni Jane ng may kumatok sa kwarto namin. Mukhang si Alec na yata 'to.

"Oh? Anong nangyari sa mukha mo?" Bungad niya saakin 

"Eto mas lalong gumanda. Ikaw? Anong nangyari sa mukha mo?" Sagot ko sakanya

Ngumiti lang siya then inangat ng konti ang braso niya, "Eto mas lalong gumwapo. Mukha na tuloy kitang yaya."

"Ulol!" sabi ko ng hinampas ko siya sa tiyan

Tumawa lang siya at sabay tinuro saakin yung necktie niya. Kinuha ko naman at inayos sa ilalim ng kwelyo niya. Tanda tanda na di pa'rin marunong magtali ng necktie.

Infairness ang gwapo ngayon ni Alec pero hindi ko sasabihin dahil ayokong matuwa siya. 

"Huy ikaw ah," sabay tinuro ko yung daliri ko sa mukha niya, "Wag na wag kang magpapalasing. Hindi kita bubuhatin pauwi ng bahay niyo." sabi ko sakanya 

"Yes boss!" sabi niya at nag salute pa saakin.

"Sira! Halika na nga," sabi ko atsaka tumingin kay Jane, "Bye Jane!" Paalam ko sakanya. 

"Have fun!"



*



Nagrent lang ng taxi si Alec since hindi naman ako pwedeng sumakay sa motor niya. 

Pagdating namin ng school marami na agad ang tao pero hindi ko pa nakikita si Franco. Nilibot 'rin ni Alec yung tingin niya sa pavillion hanggang sa makita niya si Kelly.

"Kita nalang tayo mamaya malapit sa fish pond," sabi niya saakin at akmang papunta na kay Kelly ng hilahin ko yung damit niya

"Teka lang," sabi ko, "In case of emergency, Alec..nilagay ko na yung balloon sa wallet mo. Okay? Baboo!" 

Natawa lang siya atsaka tumakbo na papunta kay Kelly. Nakasuot ng blue green na dress si Kelly. Simple pero elegante. No doubt ang ganda niya. Ano kayang nagustuhan nito  kay Alec? 

"Kayla!" Napalingon ako sa likod ng marinig ko yung boses ni Franco. Oh shit. Ang gwapo niya. 

"Fa..franco..." Nauutal ko 'pang sabi ng lumapit siya saakin. 

"Let's go?" Nagmamadali niyang sabi then he lend his right arm para kapitan ko. Hehe. Syempre kinilig naman lahat ng pilik mata ko at napakapit ng mahigpit sakanya. 

Right after na makapasok kami sa pav, bumungad agad samin loud music, party lights, scent of liquors at party animals na nagkalat sa dance floor. Students here are much like liberated dahil International School ito kaya no wonder na ang wild nila pag dating sa parties.

Lumapit kami ni Franco sa counter table at kumuha ng drink for a shot then hinila ko na siya sa dance floor. Hindi ko maalis yung ngiti sa labi ko dahil hindi ko ineexpect na nangyayari ngayon 'to. Who would have known na mapapansin pala ako ni  Franco Villaran? Ang lalaking hinahangaan ng maraming babae dito sa school at nakakasayaw ko pa ngayon. 

Ngumiti ako sakanya habang nagsasayaw kami kahit alam kong napipilitan lang naman siya. Hindi daw kasi talaga siya sumasayaw. But atleast pinagbigyan niya ko diba at mukha namang nag-eenjoy na siya. Naalala ko bigla si Alec kaya nilibot ko yung tingin ko sa paligid habang nagsasayaw.

Just RealizedWhere stories live. Discover now