#2 A best friend like her

34 3 2
                                    


Kayla*


Malayo pa ko sa loob ng school pavillion pero rinig na rinig ko na ang sigaw ng mga babae sa loob. Kanya kanyang sigaw ng pangalan ng pambato nilang banda. Meron kasing Battle of the Bands at kasali doon ang banda ni Alec. Yep may band siya at siya ang lead singer.


What time is it where you are?♩ ♩


I miss you more than anyt
hing

And back at home you feel so far  


Teka. Boses na yun ni Alec ah. Napatakbo agad ako at pumasok sa loob ng pav. "Excuse. Excuse!" sabi ko habang pumapasok ako sa crowd. Sobrang crowded kasi pero pinilit ko pa'ring makapunta sa unahan malapit sa stage. 


"AAAAAAHHHH!!!! GO ALEC AND ALLEN!!!!"


Halos mabingi rin ako sa lahat ng nadadaanan kong mga babae. "Ate padaan po!" sabi ko dun sa babaeng sobrang likot at di mapakali sa kakatalon. Pagkatapos ng pakikisiksikan ko sa gitna nakarating din ako malapit sa stage. Agad akong nakita ni Alec atsaka ako kumaway. Ngumiti lang siya sa saakin sa gitna ng pagkanta niya atsaka ako sumenyas ng AJA! 


 You say good morning♩   

When it's midnight♩   

Going out of my head♩   ♩

Alone in this bed

I wake up to your sunset♩   

And it's drivin' me mad

I miss you so bad  


Mas lalo pang umingay yung crowd ng nasa chorus na yung kanta niya. Nakisabay na'rin kami sa pagkanta niya. Grabe hindi ako magtataka kung manalo ang banda nila Alec. Alam kasi nila kung paano makipagcommunicate sa audience. Pakiramdam ko pag nasa stage si Alec. Hindi siya ang best friend ko. Para silang rockstar. Ang galing nila.


"Bestfriend ko yan!!!!!!!" Sigaw ko ng matapos silang tumugtog. Napangiti si Alec ng marinig ang nangigibabaw kong boses dahil halos mapaos na ko kakacheer sakanila.


Agad niya kong sinalubong ng mabilis na yakap pagkababa niya ng stage. 


"Ang galing ng bespren ko! Woo!!!!" sabi ko habang tinataas taas ko pa yung kamay niya sa ere. Natutuwa lang ako sa performance nila. 


Tumawa lang siya at ginulo yung buhok ko, "Salamat." sabi niya pa habang nakangiti. Ramdam ko rin na pati siya nagandahan sa performance nila. Halos lahat kaya ng tao napakanta niya.


"Oh eto tubig," Binuksan ko yung mineral water at binigay sakanya. 


"Nagdala na'rin pala ako ng extra t-shirt at pampunas ng pawis!" Binigay ko sakanya yung t-shirt niya at pinunasan ang pawis niya.


"Grabe halos lahat ng tao sa pav. napatalon kanina. The best 'to Kayla! Sa tingin mo mananalo kaya kami?"


"Aba dapat lang! Ang galing galing kaya ng best friend ko!"


Ngumisi lang siya atsaka umakbay saakin. "Naku! Alam ko na 'yang style mong yan. Magpapalibre ka lang e. Tara na, san' mo ba gustong kumain?"


Yes! Sabi na sainyo e hindi kuripot 'tong unggoy na 'to. Tumingin siya saakin at parang nabasa niya na sa mga mata ko kung saan kami kakain. 


"Likewise!" sabi ko 


"Tiya Felicidad!" 


Since walking distance lang naman yung kainan dito. Nilalakad lang namin 'yun ni Alec. 


Narinig kong nag ring yung phone niya, "May tumatawag yata sayo," 


Nagmadali siyang kunin ito sa bag niya atsaka sinagot at lumayo ako ng konti. 


Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa kanya pero sa nakikita kong reaction ni Alec, hindi yata iyon magandang balita.


Binaba niya na yung phone niya, "May problema ba Alec?"


"I need to go to the hospital," Nag aalala niyang sabi. 


Hindi ko alam kung sino ang nasa hospital pero, "Sasamahan kita."


*


Kanina pa hindi mapakali si Alec. Pabalik balik siyang naglalakad sa labas ng emergency room dahil  nagkaroon ng mild stroke si Tita Glen. Ang mommy ni Alec. 


"Alec please calm down. Maupo ka muna.." Natigilan lang siya ng sinabi ko iyon atsaka umupo sa tabi ko. 


"I can't lose her now, Kayla.." sabi niya atsaka tinakpan ang kanyang mukha gamit ang palad niya. 


"All this time wala akong ibang ginawa kundi sisihin siya kung bakit kami iniwan ni dad. I'm so stupid Kayla. Ang sama ko.." and from that niyakap ko siya. I grabbed him with my shoulders. 


"Alec..Alec please. Wag mong isipin 'yan. Magiging maayos din ang mom mo, okay?" I said then I tapped his shoulders. "You can still make it up to her, Alec. She's your mom. Mahal ka niya and she will always give you a chance."


Umalis siya sa pagkakayakap ko at kinusot ang mata niya para pigilan ang luha niya. And forcedly he smiled at me, "Just please..don't leave me."


Natawa ako sa sinabi niya kaya pinitik ko yung noo niya.


"Aw,"


"Sira! Ako pa ba? Kelan ba kita iniwan?"


He shrugged then ngumiti na'din siya sa wakas.


"Hindi ako aalis sa tabi mo, Alec..pwera nalang kung.." Tinaas ko yung dalawa kong kilay atsaka ngumiti, "Kung nanonood ka ng porn." Tumawa siya bigla sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko


"Sucks. Ipapanood ko panaman sana sayo yung video ko," Biro niya atsaka tumawa ng malakas


Whutt?!  Kadiri talaga 'to!



Just RealizedWhere stories live. Discover now