#1 - Meet Alec and Kayla

51 3 0
                                    

Kayla*

8:45 am

"Jane! Alis na ko. Male-late na ko e. Bye!" Nagmamadaling sabi ko kay Jane atsaka ko siya hinalikan sa cheeks. She's like a sister. Matagal ko na siyang kaibigan at dormmate ko na rin sya for almost a year.

"Take care!"

"Ikaw din!" Pahabol kong sabi bago ko naisara ang pinto.

Paglabas ko ng gate nakita ko agad si Alec. Nakasandal siya sa motor nya at gwapong gwapo sa sarili. Infairness kahit naka plain white shirt lang sya lakas padin ng dating ng unggoy na 'to.

"Huy! Mag aalas nuwebe na. Tara na!"

"Eto na, eto na." Nagmadali akong umangkas sa motor nya at kumapit ng mahigpit sa tiyan niya. Alam ko kasing buwis buhay 'tong magdrive kaya kapit na kapit ako. Sa tuwing sasakay talaga ako sa motor niya feeling ko katapusan ko na. Pero sanayan rin lang e. Wala namang ibang mag hahatid saakin sa school kundi tong unggoy kong best friend. Kaya pagtiyagaan na natin.

Hindi pa sampung minuto nakarating na agad kami sa school. Yung maayos kong buhok bruha na. Yung feeling na ayos na ayos ka pag alis ng dorm tas pagdating mo sa school gulong gulo na yung buhok mo dahil sa hangin. Kala mo naman kasi kay Alec nakikipagkarera lagi e.

"Hala!" Nag kunwari siyang gulat sa itsura ko atsaka tumawa

"Eto naman di na nasanay sa ganda ko!" sabi ko atsaka ko inayos yung buhok ko.

Tumingin ako sa paparating na kotse at alam kong si Franco yun! Omylabs.♥

Medyo magulo pa yung buhok niya pagbaba sa kotse pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Nakasabit rin sa isang balikat ang bag niya. Naniningkit rin ang mata niya dahil sa sinag ng araw.

Niyugyog ko yung balikat ni Alec habang nakatingin pa'rin ako kay Franco, "Alec! Kakarating lang ng boyfriend ko.♥" Kilig na kilig pa akong nakatingin kay Franco my labs♥ ng takpan ni Alec yung mga mata ko at hilahin ako palayo sa carpark!

"Ay buset! Alec alisin mo nga 'to!" Sabi ko habang tinatangal yung kamay niya sa mata ko, "Alec naman e!"

"Boyfriend?" Ngumisi siya habang hila hila pa'rin ako, "He doesn't even know you exist, Kayla. I bet papaiyakin ka lang niyan."

"Uy grabe sya oh! Palibhasa mas gwapo siya sayo. Atsaka mas mabango pa!"

"Whoa teka teka! Mabango? Hindi ba ko mabango?"

"Hindi!" sagot ko

"Ahh ganun ah!"

"Yuck! Alec ano ba!"Tinakpan ko yung ilong ko ng ibaon niya ko sa balikat niya, "Ambaho ng kili kili mo! Kadirii ka! Ew!" Panlalait ko sakanya kahit ang totoo naman ay sobrang bango niya. Ewan ko ba dito tatlong beses yata 'to maligo sa isang araw e.

"Ano ba wag mong guluhin yung buhok ko! Sira ka talaga!" Hinampas ko siya sa dib dib pero tingnan mo nga naman oh. Ang tigas. Hindi lang ako nagpahalatang masakit pero ang sakit. Punyeta.

"Ano? Masakit?" Tumawa pa siya ng malakas, "Sorry, macho e."

"Laki ng boobs mo ulol!" sabi ko atsaka ko siya binatukan ng mahina.

"Abs kaya 'to," Pahabol niya pang sabi.

"Ewan ko sayo! Bilisan mo na malelate na tayo!"

Obviously, that's Alec Zardilla. 10 years old palang magkaibigan na kami. Maraming rason kung bakit ko siya naging kaibigan ng ganito katagal. Almost 7 years nadin. Ang alam ko lang pareho kaming baliw.

Pareho kaming nasa piano class noon at dahil hindi ko naman iyon hilig. Sinasamahan niya ko sa pag cu-cutting class at the age of 10. Sorry hindi ko talaga kasi hilig ang pagpindot ng piano.

Just RealizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon