Capitulo Cinco [2.2]

16.7K 321 15
                                    

''Nakakasawa na ang happy-go-lucky lifestyle sa Las Vegas eh. Gusto ko sanang magtayo ng negosyo.'', sagot ni Tommy.

''Good thing at natauhan kana rin..We'll help you sa pag-iisip what business suits you.'', ani Jonas.

Dumating na ang waiter dala ang wine at mga kopita. Isa-isang sinalinan ni Bella ang mga baso.

''Cheers!'', masaya nilang sigaw.

Iinumin na sana ni Tommy ang alak nang mapatingin siya sa hawak na baso. Nakita niya ang sariling repleksiyon doon at nakita nyang muli ang babae. Sa pagkakataong ito ay malapit na malapit na ito sa kanya. Naka-stretch ang braso nito na parang gusto siyang hawakan. Malaki ang pagkakabuka ng bunganga nito at may dugong lumalabas mula roon.

Sa sobrang takot ay nabitiwan ni Tommy ang kopita. Tumapon ang laman noon sa mesa.

''Tommy whats wrong?'', nag-aalalang tanong ni Bella.

''Wag niyo akong hawakan!'', sigaw niya ng hawakan siya ni Owen sa balikat.

''Pare!'', gulat na sambit ni Owen.

''P-punta lang ako sa restroom..'', tulirong turan ni Tommy.

Naguguluhang sinundan na lang ng tingin nina Jonas ang papalayo nilang kaibigan.

Pagkapasok ni Tommy s CR ay tumambad sa kanya ang napakalaking salamin na naroon. Huli na para maisip niyang meron nga palang mga salamin sa restrooms. Napansin rin niyang mag-isa lang siya doon.

Pagtingin niya sa salamin ay napasigaw siya sa takot dahil nakita nya sa repleksiyon niya roon na ganap nang nakalapit sa kanya ang babae.

Lumingon siya sa likod niya ngunit wala ito roon. Talagang nagpapakita lang ito sa pamamagitan ng repleksiyon.

''Hindi ka totoo! Hindi ka totoo! Tigilan mo na akoo!'', paulit-ulit na sigaw ni Tommy.

Pagtingin niya sa salamin ay natulala siya sa nakita. Nakasampa na sa likuran niya ang babae! Nakita niya ang unti-unting paglapit ng bibig nito sa tenga niya. Tila may ibinubulong ito sa kanya...

''Malapit na... Mamamatay ka...'', pagkasabi nun ng babae ay naglaho ito sabay biglang nagbukas ang pinto ng banyo...

ITUTULOY...

RepleksiyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon