Capitulo Dos [1.2]

22.3K 431 9
                                    

[PART 2]

{Ayaw pumayag nung matandang African na pumasok tayo sa kweba!}, inis na sabi ni Jonas sa mga kasamahan matapos makipag-usap sa isang matandang African na si Minekarta.

Ito ang itinuturing na pinuno sa baryong iyon.

Kasalukuyang nasa Kenya sila.

{Ano daw sabi?}, tanong ni Tommy.

{Mapanganib daw pasukin ang kweba dahil nagagalit daw ang espiritu ni Ezana.}, sagot ni Jonas.

{Itutuloy pa ba natin to?}, sabat ni Owen.

{Of course! Ang sabi pa ng matandang iyon papayagan nya lang tayong pumasok sa loob ay kung magbubuwis tayo ng buhay! Ito daw ang magsisilbing alay kay Ezana upang makalabas daw pati tayo ng buhay sa kweba.}, nagsindi ng sigarilyo si Jonas.

{Thats totally crazy! Life offering? Bullshit! They just scarying us!}, gigil na sabi ni Bella.

{Relax guys. Ano tuloy pa ba tayo, hon?}, malambing na tanong ni Maya sa nobyo sabay yakap dito.

Ganun sila ka-intimate sa isat-isa.

{Tuloy tayo. Mag-camping na lang tayo malapit sa kweba. Lets start moving, 5 hours pa ang lalakarin natin before we will reach that cave.}, seryosong turan ni Jonas.

Tama ito. Dadaan pa sila sa malawak na gubat bago marating ang kwebang pinaglibingan kay Ezana kung saan matatagpuan ang golden tiara. Ang susi sa pagyaman nilang lima.

{Wait guys! Can we rest here for a while?}, hinihingal na sabi ni Bella.

{Oo nga, hon. Besides, i want to take pictures of this forest.}, sang-ayon ni Maya.

{Okey. Pero 15 minutes lang.}, ani Jonas.

Umupo sila sa malaking ugat ng isang puno. Naglabas sila ng inumin upang mawala ang kanilang uhaw.

Naglabas naman ng make-up kit si Bella at nag retouch. Biglang napatili si Bella nang may isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mukha at galing iyon sa salamin ng make-up kit nya.

Natawa na lamang siya nang mapag-alaman nyang flash lang pala un ng camera ni Maya.

{Jezz, Maya! You scared me!}, nakahawak sa dibdib na sabi ni Bella.

{Oops! Sorry Bella. Ngayon ko lang nalaman na takot ka pala sa camera..Joke lang!}, natatawang sabi ni Maya sa kaibigan.

RepleksiyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon