Capitulo Cinco [1.2]

17.5K 350 9
                                    

CINCO

LABIS ang pagka gimbal ni Tommy. Sobrang lapit na ng babae sa kanya. Mas nakikita na niya ang anyo nito ngayon.

Nakakatakot ang mga mata nito na walang itim. Medyo distorted ang mukha nito.

Pero bakit ganun? Pag tumitingin siya sa kanyang likuran ay wala siyang nakikita. Tanging sa repleksiyon niya lang ito nakikita.

At may binubulong pa ito. Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang boses nito.

''Andyan na...Malapit na...Mamamatay ka...''

Paulit- ulit na inuusal ng babae habang marahang lumalapit kay Tommy mula sa likod niya.

''Aaaahhh!'', malakas na napasigaw si Tommy at mabilis na lumayo sa salamin.

Hindi makapaniwala si Tommy sa mga nangyayari. Sino ba ang babaeng nagpapakita sa kanya sa pamamagitan ng mga bagay na may repleksiyon?

Mabilis niyang inayos ang sarili dahil makikipagkita pa siya sa kanyang mga kaibigan.

Sa paglabas ng bahay ay panay ang iwas niya sa mga bagay na makikita niya ang kanyang sariling repleksiyon. Nag-commute na lang siya papunta sa restaurant upang makaiwas sa mga salamin sa kotse niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung sinong babae ang nagpapakita sa kanya.

Ligtas siyang nakarating sa restaurant. Agad siyang nakita nina Jonas, Owen at Bella.

Masayang nagkumustahan ang apat.

''Bakit naman parang balisa ka, Tommy?'', puna ni Jonas sa kaibigan matapos nilang umorder.

''Ah-eh...Wala to Jonas. Alam mo na jetlag. Hindi ko akalain na kayo ni Bella ang magkakatuluyan..'', ayaw muna niyang sabihin ang tungkol sa babaeng nagpapakita sa kanya.

Si Owen ang biglang sumagot. ''Naku, Tommy wag ka nang magtaka. Ang dali ngang makapag-move on ni Jonas sa pagkamatay ni Maya eh!'', natatawa pang saad ni Owen.

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Owen.

''I think it would be better kung di natin isasali sa usapan ang taong wala dito..'', pagpaparinig ni Bella kay Owen. Tila naman napahiya si Owen kaya natameme ito.

''Bakit nga pala bigla kang napauwi dito sa Pilipinas?'', tanong ni Jonas kay Tommy.

RepleksiyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon