Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective )

10.2K 58 5
                                    

 “ Kuya ang tagal mo namang dumating. Anu? Kompleto ba? Nadala mo lahat ng kailangan natin?” Sunod sunod na tanong niya sa bagong dating habang hinahalungkat lahat ng laman ng itim na bag na bitbit ng kanyang kuya.

“ Oo, kumpleto lahat yan ako pa? Bilisan mo siguradong ibibitin tayo ng patiwarik ni Daddy sa terrace pag nalaman nyang tumakas na naman tayo sa bahay.” Abala na rin ito sa pag seset up ng dala nito.

“ Amber isuot mo itong invisible bullet robe mo para safe tayo kung anu mang mangyari at wag kang padalus dalos baka mabulilyaso tayo. Alam mo na ang misyon natin. Dito ka lang sa likod ko ikaw ang bahala sa mga impormasyong pwede mong makuha ako naman ang lalapit sa kanila. Okay,” paniniguro pa nito habang humahakbang na ito at inihahanda ang sarili sa pagsasagawa ng plano nila.

“Okay kuya. Mag ingat tayo parehas,” sumunod na rin ito sa kanya habang pigil hininga sila sa mga susunod na mangyayari.

“Show me the merchandise please, Mr.  Fukoo. Lumapit ang lalaki at may kung anung tinikman sa loob ng maleta na dala ng nasa kabilang panig. “Boss, masarap ito walang halo. Tiba tiba tayo rito, Boss Gringo.” Kitang kita nya kung panu ngumiti abot langit ang lalaking tinawag na Boss Gringo.

“Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sa iyo, Mr. Fukoo bilang kapartner ko sa mga ganitong negosyo. Andito ang mga dala kong mga armas, let’s meet half way. Sabay ang mga itong naglalakad papalapit sa gitna. Pigil ang hininga nilang dalawang magkapatid habang halos nakadikit na ang tenga ng kuya niya sa pader na pinagtataguan nila at siya naman ay maingat na pinapagalaw ang spy camera sa pamamagitan ng remote control na hawak niya. Nakukuhanan niya ng malapitan ang mga mukha ng dalawang grupong kasalukuyang abala sa kanilang transaksyon. Biglang napasabit ang binti niya sa nakausling bakal kaya nakagawa iyon ng munting ingay. Napaluha siya sa pagpipigil na mapahiyaw sa sobrang hapdi. Dinaluhan agad siya ng kanyang kuya pero bago iyon mabilis nitong pinatalon ang animated robot cat na ginawa nito.

“ Kaya mo pa ba kapatid? Nag aalala ako na baka mainfect ang sugat mo umalis na kaya tayo okay na tong nakuha nating ebidensya,” namumutla ito sa pag aalala sa kanya.

“ Kuya, a big ‘no’ for my answer. This is it. Ayaw kong masira ang plano natin. Kaya ko pa don’t worry about me,” habang pilit pinapaayos ang kanyang hitsura.

“Boss tingnan ko lang kung anu yung ingay na yun,” naglakad ito papalapit sa direksyon ng posteng pinagtataguan nila.

Pigil na pigil ang paghinga nila habang sinisilip ng lalaki kung may tao bang nasa paligid nila. Hinawakan ng kuya niya ang kamay niya. Alam niya kung anung ibig sabihin nun. “Relax kapatid everything is under control with you and me, the young version of spy kids in action,” nakangiti pa ito habang pinapagalaw ang alaga nitong pusa. Gumanti rin siya ng ngiti. Ito ang pinakagusto nya sa kanyang kuya handang gawin ang lahat maprotektahan lang siya at maisakatuparan ang ultimate moves nila.

Natawa pa ito ng makitang pusa lang pala iyon at bumalik na sa grupo nito. Saka lang sila nakahinga ng normal at unti unti silang gumalaw palayo sa pader na pinagtataguan nila.

Pagdating sa bahay nagtatawanan pa sila na parang walang nangyari. Kanina makapigil hininga ang pangyayaring naranasan nila na kabiyak na ata ng pagkatao nila. Nadatnan nilang may kausap ang magulang nila sa family hall nila at nagkakasiyahan pa ito.

“Amber sibat na tayo gamutin natin ang sugat mo,” yaya ng kanyang kuya habang inaalalayan siya pag akyat. Kinuha nito ang medicine kit sa cabinet niya.

“Kuya dahan dahan lang ha…wait..wait lang. Baka mahapdi yan ha naku sisipain kita kahit masakit ang paa ko,” pagbabanta niya habang mangiyak ngiyak na siya sa takot.

Missing In Action ( Clash of Seminarian and Detective ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon