CHAPTER 7

18.4K 200 9
                                    

CHAPTER 7

 

    “Akin na sabi yan eh!” Pilit na inaagaw ni Harvey ang susi kay Det.

    “Kunin mo kung kaya mo!” Bungisngis na sagot ni Bernadeth dito. Minsan lang niya maasar si Harvey kaya naman susulitin na niya!

    NAKATANAW PA RIN SI JAYDEL sa dalawa.. hindi sya natutuwa sa nakikita nya. Naunahan na ba siya ng lalaking ito kay Bernadeth? Parang hindi naman sila ganyan ka close noon. Alam niya na nagaasaran ang dalawa noon pa pero hindi ganyan na nagyayakapan na sila!

    ‘Hay Jaydel ano bang iniisip mo? Kuya-kuyahan lang ‘yan ni Bernadeth!’ suway niya sa sarili.

    “BERNADETH!” Tinawag niya ang pansin ng dalawa. Bahagya pa siyang kumuway kahit pa ang awkward lang ng sitwasyon.

NAGULAT NAMAN SI DET!

“Oh Jaydel!!!” yun lang ang nasambit niya. 

‘Nakakahiya! Kanina pa ba siya dyan?’

Si Harvey naman ay kumalas na kay Det pero ang susi niya ay hawak parin nito.

    “Pare, kamusta?” Bati ni Harvey sa bagong dating. Pinilit niyang maging casual dito.

    “Ayos lang naman Pare! Napadalaw lang ako, mukhang busy yata kayo ah.” Tanong ni Jaydel na palipat-lipat pa ang tingin sa dalawa na akala mo ay naghihintay na mag-explain ang mga ito sa tagpong nadatnan niya.

    “Hindi naman pare! Nagpapaturo kasi ‘tong si Det mag gitara. Pauwi na rin ako.” Sabi ni Harvey tapos ay bumaling siya kay Det. “Hoy! Akin na kasi yang susi ko! Ang kulit mo kasi!”

    “Hehehe, sandali lang Jaydel ha. Upo ka muna dito.” Parang ewan na ngiting-ngiting baling ni Det kay Jaydel at ipinaghatak pa niya ito ng upuan. Nang makaupo na si Jaydel ay nagpaalam siya rito.

    “Wait lang ha, hintayin mo ‘ko. Hatid ko lang si kuya Harvey sa gate!” Tapos ay hinatak na niya si Harvey palayo.

    “Praning! Anong kuya ka dyan? Natatameme ka na naman kapag nandyan yang lalaki mo. Huwag mo nga akong kinukuyakuya, wala akong kapatid na kasing kulit mo…” Pang-iinis ni Harvey nang makalabas sila sa gate. “Akin na nga yang susi ko!” Aagawin na sana niya ang susi pero itinago ulit iyon ni Det sa likuran niya.

    “Ano na naman?!” Naiinis na si Harvey.

    “Pikon ka na ‘no? All ONE! Quits na tayo! Hahaha!” Nagdidiwang ang kalooban ni Det.

    “Akalain mong naalala mo pa yun? Huh! Babawi ako ‘kala mo!” Agad na niyang nakuha ang susi niya sa kamay ni Det.

    “Sige na bye na kuya! Teka kuya anong itsura ko? Maganda na ba ako? Nakakahiya kay Jaydel eh, hindi man lang ako nakapagsuklay tsaka powder.” Natatarantang tanong pa ni Det.

    “Ewan ko sa’yo! Pumasok ka na nga! Doon ka na sa Loyal Suitor mo! Tsk!” Inis na singhal ni Harvey sabay tinalikuran si Det at sumakay na sa kotse nito.

    “Sungit! Che!!!”

    “Hoy yung mga gamit ko ha ingatan mo!” Pahabol ni Harvey bago niya i-start ang kotse.

    Nang makaalis si Harvey ay nagmamadaling tinungo ni De tang kwarto niya para mag-ayos ng sarili. Nakakahiya naman kasi ang istura niya! Hindi man lang kasi tumawag o nag-text si Jaydel bago pumunta sa bahay nila. Ang alam kasi niya ay nasa Baguio ito. Matapos niyang mag-ayos ay pinuntahan niya agad si Jaydel. 

I Am Me, When I'm With YouWhere stories live. Discover now