CHAPTER 6

17.5K 196 6
                                    

CHAPTER 6

    Maagang nagising si Det. Sabado na kasi kaya pupunta ulit siya sa bahay nina Harvey para sa second session ng guitar lesson nila. Nagmadali siyang maligo at nagbihis. Isang lingo rin silang hindi nagkita ni Harvey. Oo na, aminado naman siya na na-miss niya yung tao, wala kasi siyang kaasaran eh. Hindi kasi sila nagkita sa campus buong linggo. Pagtine-text naman niya ito matipid ay magreply. Palabas na ng kwarto si Det ng tawagin siya ng Mama niya.

     “Det, si Harvey nandito na!” Narinig niyang sabi ng Mama niya.

    “ba-baba na po Ma!” Tugon ni Det kahit pa nagtataka siya na ito ang pumunta sa bahay nila at himalang napakaaga pa nito. Pagbaba niya ay nakita agad niya si Harvey sa living room. May dalawang  gitara itong bitbit at isang booklet.

    “Wow! Ang sosyal naman! So, dito mo ‘ko sa bahay tuturuan? Baka naman may bayad na ha!?” Biro niya nang lapitan ito.

“Wala po mahal na prinsesa. Baka kasi mapagod ka pa kapag nag-commute ka pa.” Natatawang sagot naman ni Harvey. Bahagya pa itong yumuko nang sabihin ang salitang prinsesa.

    Sa garden sila pumwesto para sa guitar session nila. Presko kasi roon at maliwanag. Katatapos lang nila mag-agahan at ngayon ay tinuturuan na nga ni Harvey si Det mag gitara. 

     “I-angat mo kasi! Relax!” Nadadaganan yung ibang string sa ilalim oh? Paano tutunog yan?” Nauubos na ang pasensya ni Harvey. Paulit-ulit nalang kasi sila. Parating nadadaganan ng ibabang daliri ni Det ang ibang string ng gitara.  

     “Ang yabang mo naman! Ito na nga oh ‘di ba ganyan? Tama naman ah! Oh may tunog na! galing ko ‘di ba?” Pang-aasar pa ni Det. Kanina pa niya halatang napipikon na si Harvey sa kanya. May topak din pala ang isang ‘to paminsan-minsan eh.

    “MALI!!!” Napa-facepalm nalang si Harvey. Pinaglololoko yata siya ng estudyante niya kuno eh. Nananadya eh. Ayaw kasi magseryoso si Det. Nahihirapan na tuloy siya magturo. Gusto na kasi niyang matuto ito para tuluyan na siyang makaiwas dito. Sa tuwing kasama niya kasi ito, mas lalo lang siyang nahuhulog. Alam naman niya na wala siyang pag-asa. Nakakabakla naman yang lintik na pag-ibig na yan! Friendzone na nga siya, Brotherzone pa!

    “Hmp! Tugtog ka na nga lang! Isa lang please!”  Parang batang sabi ni Det.

    “Oo na sige na nang matahimik ka!” Pumayag naman si Harvey. Tumugtog siya at sinabayan ito ng kanta.

BROKEN by seether

I wanted you to know I love the way you laugh
I wanna hold you high and steal your pain away
I keep your photograph; I know it serves me well
I wanna hold you high and steal your pain
‘cause I’m broken when I’m lonesome
And I don’t feel light when you’re gone away

    Natahimik naman si Det nang tumigil na sa pagkanta si Harvey. Napakaganda ng boses nito pero ang lungkot ng kanta niya. Kaiyak! Dalang dala nito ang emosyon sa pagkanta at sa mga sandaling iyon ay tila dinala si Det sa ibang dimention. Nakakaiyak talaga! Naalala tuloy ni Det yung sinabi ni Harvey noong isang linggo na magiging ex na niya yung girlfriend niya.

‘Talaga kayang wala na sila ng GF niya?’

    Dahil sa naalala ay naisip niya itong tanungin.

“Break na kayo?”

     “Ha?! Tsk! Badtrip ka naman oh!” Halatang nawala tuloy sa mood ito nang dahil sa tanong niya.

    “Ang lungkot kasi ng kanta mo eh! Sorry ha…pero promise ang ganda nakaka-inlove!” bawi naman niya para mabago ang mood nito.

    “Talaga nakaka-inlove?”

    “Oo yung pagkanta mo…hehehe pero ‘di nga break na kayo?” Tanong na naman niya. Bakit ba naman kasi napakahirap pigilan ng curiousity!

    “Oo! I dumped her.” Inis pa na sagot ni Harvey. ٩(×̯×)۶

    “Ang sama mo naman Harvey nakakatakot kang maging boyfriend! Hindi ko man lang nakilala yung ex mo! Nagiimbento ka lang yata eh! Wala ka naman yata talagang girlfriend. Yabang yabang nito. Ikaw pa talaga ang nakipaghiwalay?” Pang-aasar pa ni Det. 

    “Hay naku! Walang patutunguhan ‘tong guitar lesson na ‘to! Uuwi nalang nga ako!” Akmang kukunin ni Harvey ang susi ng kotse niya sa ibabaw ng table pero naunahan siya ni Det. 

    “Hindi! Bawal umuwi!” Inilayo ni Det ang susi kay Harvey kaya naman nag-aagawan na sila dito.

    “Tsk! Akin na!” Pilit na inaabot ni Harvey iyon. May lamesa sa harap nila kaya naman hindi iyon makuha-kuha ni Harvey.

    “Hindi ka uuwi hanggat ‘di ko nape-perfect ang basic chords!” Niyakap ni De tang susi nang umikot si Harvey sa lamesa para malapitan siya. Mahigpit niya iyon hinawakan at yakap pa niya ito sa kanyang dibdib.

    “Det! ‘Wag makulet! Akin na ‘yan!” Nasa likuran ni Det si Harvey at pilit kinakalas ang mga kamay ni Det sa susi niya kaya parang yakap niya ito mula sa likuran. Ang sweet lang nilang tingnan.

***

    “Oh Jaydel iho napadalaw ka!?” Bati ng Mama ni Det sa binata.

    “Magandang tanghali po tita si Bernadeth po nandyan?” tanong nito.

    “Oo nasa garden sila ni Harvey, puntahan mo nalang at maghahanda na ako ng tanghalian.” at itinuro na ng nanay ni Det ang daan papuntang garden.

    Dinig na dinig ni Jaydel ang harutan ng dalawa na para bang may pinagaagawan. Nang matanaw niya ang mga ito ay parang dinurog ang kanyang puso. Halos yakap na ni Harvey si Det mula sa likuran habang si Det naman ay tawa ng tawa. Nahuli na ba siya ng dating? Alam naman niya na close ang dalawa pero hindi niya akalain na ang closeness na iyon ay may kasama nang pisikalan.

 

 

 

 

 

I Am Me, When I'm With YouWhere stories live. Discover now