CHAPTER 3

20.3K 255 9
                                    

CHAPTER 3

 

    Hindi makatulog si Det. Iniisip niya ang nangyari kanikanina lang. 

    “Alam na pala ng kuya ko…ginawa ko pa tuloy sinungaling ang mga kaibigan niya.” Sabi ni Det sa sarili.

    Four years ang tanda ng kuya at mga kaibigan nito sa kanya. Graduate ang mga ito ng highschool sa eskwelahang pinagaaralan niya ngayon—sa St.Benedict Academy. Kilala ang mga ito sa school nilang iyon dahil bukod sa matatalino ang mga ito, active rin sila sa mga school programs. Hangang ngayon kahit pa 2yrs ago na nang grumaduate sila sa St. Benedict ay pinauunlakan parin nila ang eskwelahan kapag iniimbitahan silang tumugtog dito. Katuwaan lang naman ang banda ng kuya niya—ang ONE LOOK. Sabi pa ng mga ito, ONE LOOK daw ang pangalan ng banda nila kasi isang tingin palang ng mga babae, tiyak na mai-in-love na sa kanila. Pa’no pa kaya ‘pag kumanta na si Harvey—ang vocalist ng banda. Anyway, kahit napakapresko ng explanation nila sa name ng band nila,,hmmmmnn..ok lang..acceptable naman. Mga gwapo naman kasi silang talaga at isya nga pala, si Michael ang drummer ng banda.

    Sariwa pa sa isip ni Det ang sinabi ng kuya niya kanina lang.

    “Hindi ko naman tinakot o sinaktan si Jaydel, sinabihan ko lang siya na kung talagang seryoso siya sa’yo ayusin niya muna ‘yung ibang relasyon niya sa iba niyong schoolmates! Hindi mo ba alam na tatlo kayong ginagago nun sa eskwelahan? At ang sabi ko, hintayin ka niyang grumaduate ng highschool at pormal siyang manligaw dito sa bahay! Mahirap ba ‘yon? Ha? Eh kung iniiwasan ka pala niya ngayon eh di alam mo na ang sagot ‘di ba?” Iyan ang sabi ng kuya niya.

    “Hay… si kuya naman! Kung sabagay tama si kuya—kailangan ko pala makausap si Jaydel!” Agad na kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ng boyfriend niya. Kinakabahan pa niyang pinindot iyon para tawagan.

    “Hello?” Boses babae ang sumagot.


    “He-hello?” napalunok si Det pero nilakasan niya ang loob niya. “Si Jaydel?” Tanong niya rito.

    “Tulog na po si kuya, naiwan niya yung cellphone niya rito sa sala. Kayo po ba yung girlfriend niya? Si ate Honey? Kapatid po niya ‘to. Hello po!" sabi ng babae sa kabilang linya. 

Una sa lahat gusting makahinga ng maluwag ni Det dahil kapatid naman pala ni Jaydel ang sumagot pero mas lalo pa siyang hindi makahinga dahil hindi HONEY ang pangalan niya! Shet lungs!

                 SINO SI HONEY?!!!

    “Ay naku hindi! Sige ha tatawag nalang ako bukas…bye!” pagtatapos ni Det.

    Halos umusok na ang ilong ni Det sa inis! Una sa lahat, alam naman niya na babaero si Jaydel eh. Tanggap niya iyon dahil minsan talaga nagiging tanga ang mga tao paminsan-minsan. Pero oo na! Parati na siyang tanga kapag Jaydel Murez ang topic ng usapan. Ang sabi ng kuya niya tatlo nga raw silang GF nito sa school pero ang alam niya ay iniiwasan na ni Jaydel ang mga iyon. Kusang lumalapit ang mga babae rito pero…KAHIT NA! BASTA NAKAKAINIS PA RIN!

 

KINABUKASAN…

    Nagbakasakali si Det na nasa gym si Jaydel. Pagtapak na pagtapak niya sa Gym ay hinanap niya agad ang kinaroroonan nito.

      BINGO!

    “JAYDEL MUREZ!” Ubod lakas na tawag niya rito.  >///////< Wala na siyang pakialam kung may makaalam pa ng sikreto nilang relasyon.

I Am Me, When I'm With YouWhere stories live. Discover now