Hit 14~ The Party

7.9K 91 4
                                    

Alas otso ng gabi naatapos ang awarding ceremony para sa mga nangunang grupo. Tulad ng inaasahan ay ang grupo ni Yano ang naging number one.

"Boss, puwede na ba kong umuwi? Umalis kasi sina nanay kaya walang kasama ang ate ko ngayon," sabi ni Nino.

"Hindi ka pa puwedeng umalis! Mag-ce-celebrate pa tayo!" sabi ni Yano.

"Pero boss..." Nagmamakaawa na si Nino, pero parang bingi si Yano.

"Yano, meron akong suggestion!" biglang sabi ni Yamapi.

Tumingin sa kanya si Yano.

"Sa bahay na lang tayo nina Nino mag-celebrate," suhesyon ni Yamapi.

"Ano?" Napakunot ng noo si Yano. "At bakit naman tayo magce-celebrate sa mabahong bahay na 'yon?"

"Sa Village III iyon di ba? Never pa kong nakapunta ro'n. Punta tayo!" nakangiting sabi ni Rina.

"Oo nga, punta tayo ro'n!" dagdag ni Monique.

"Kung gusto ni Monique, gusto ko na rin!" pagsang-ayon naman ni Ivan.

"Sige, doon na tayo!" pagpayag ni Jin.

"Teka!" Umangal si Yano, pero wala rin naman siyang nagawa lalo na nang mag-alisan na ang mga kasama niya.

"Mag-taxi na lang siguro tayo para mas maranasan natin kung paano talaga maging taga Village III." Isa pang suhesyon ni Yamapi.

Pumayag ang mga kasama niya. Lumabas sila ng Academy para roon mag-abang ng taxi.

Sa labas ay nakita nila sina Chen Yin at Cashmere.

"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ni Chen Yin nang makita ang grupo ni Yano.

"Pupunta kami kina Nino," sabi ni Yamapi bago ito lumapit kay Cashmere.

"Kayo rin? Kami rin, eh," sabi ni Chen Yin.

Biglang napangiti si Ivan. "Ngayon alam ko na kung bakit gusto ni Yamapi na pumunta kina Nino."

"Ang mabuti pa sabay sabay na tayong pumunta ro'n," suhesyon naman ni Rina.

Tumawag na nga sila ng dalawang taxi.

Sa unang taxi magkakasama sina Yano, Nino, Chen Yin, Cashmere at Yamapi.

Sa pangalawang taxi naman sina Monique, Ivan, Jin at Rina.

Pasakay na sila nang biglang mag-vibrate ang cellphone ni Jin. May natanggap pala itong text message.

"Naku! Mukhang hindi ako makakasama sa inyo," sabi ni Jin.

"Bakit, may nangyari ba?" tanong ni Rina.

"May emergency lang sa bahay. Ah, Ivan!" Tumingin siya sa lalaki. "Ikaw na muna ang bahala kay Monique. Yano!" Si Yano naman ang tiningnan niya. Next time na lang siguro ako sasama."

Sumimangot si Yano. Sa dami nang puwedeng hindi makasama, si Jin pa talaga?

"Sige, umalis na kayo. May susundo sa'kin dito," sabi ni Jin.

Sumakay na nga sa taxi ang lahat.

"Ah, d'yan na lang ako sa taxi n'yo para maluwag!" sabi ni Nino kina Ivan. Lilipat na dapat siya nang makita ang masamang tingin ni Yano.

"Nino, lilipat ka ba rito?" tanong ni Ivan.

"H-Hindi. Hindi na lang pala," sagot ni Nino.

Pagdating nila sa bahay nina Mia.

"Ate Mia, nandito na kami!" tawag ni Nino.

Bukas ang pinto kaya pumasok na sila.

"Nasaan si Mia?" tanong ni Chen Yin.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon