Hit 11~Yano's First Love

7.9K 78 6
                                    

"Sigurado ka? Gusto mong kumain sa Cafeteria II?" kumpirma ni Cashmere matapos silang ayain ni Mia na sa doon mananghalian.

Tumango si Mia dahil talagang seryoso siya. Gusto niya kasing malaman ang lagay ng kapatid sa poder nina Yano.

Hindi naman siya tinanggihan ng mga kaibigan.

Pagdating nila sa Cafereria II, hindi pa man nakakaupo si Mia ay may mga narinig na siya.

"Bakit may taga Village III dito?"

Sarkastiko ang mga boses nila kaya parang nagdalawang isip si Mia na maupo. Naisip na lang niya na umalis. Sa bahay na lang siguro niya kukumustahin si Nino.

"Umupo ka na!" Bigla siyang hinawakan ni Cashmere sa balikat at pinaupo.

"Huwag mo na silang pansinin. Kumain na tayo," sabi naman ni Chen Yin.

Napangiti si Mia. Mabuti na lang pala at kasama niya ang mga kaibigan. Ipinaalala ng mga ito na maling magpatangay sa sinasabi ng iba.

Inilabas na ni Mia ang kanyang packed lunch. Bumili naman sa counter sina Cashmere at Chen Yin.

Kumakain na sila nang dumating ang grupo ni Yano.

"A-Ayan na sila!" nasabi ni Mia. Bigla lang siyang nagulat sa nakita.

Kasama ng grupo ni Yano si Miss Monique. Nasa tabi naman nito si Nino na ngayon ay new look na. Tirik tirik at blonde ang buhok at may earing pa sa kaliwang tainga.

"A-Anong nangyari kay Nico?" bulalas ni Mia. Hindi niya maintindiha kung bakit naging ganoon ang itsura ng kapatid.

"Iyong hikaw acceptable, pero iyong kulay ng buhok, kailangan pa ba 'yon?" tanong ni Cashmere.

"T-Teka... Paano n'yo naman nasabi na acceptable ang hikaw, eh hindi nga bagay kay Nino,"angal ni Mia.

"Hindi mo pa ba alam ang simbolo ng hikaw?" tanong ni Chen Yin.

Nagtaka si Mia. Ang hikaw may simbolo?

"Kapag ang isang lalaki may hikaw sa left ear, ibig sabihin alipin siya."

"Ano?" Napakunot ng noo si Mia.

Hindi niya akalain na may ganoon palang palatandaan ang mga alipin. Ang masama pa ay dinaranas ito ng kapatid niya.

Nino...

Nalungkot si Mia.

Naisip niya na kung malakas lang siya, hindi kakailanganin ng kapatid niya na magsakripisyo.

Kasalanan niya na naging alipin ito.

"Si Ate Mia iyon, ah! Kasama ang mga kaibigan niya. Ate Mia!" Tinawag ito ni Nino.

"Tumahimik ka nga! Huwag mo silang tawagin!" saway ni Yano. "Bawal kang makipag-usap sa kung kani-kanino ng wala akong pahintulot."

"Bakit naman po?"

"Huwag ka nang magtanong. Basta bawal!"

"Okey po." Walang ibang choice si Nino kundi ang um-oo.

Pagkatapos ng klase, umuwi na agad si Mia para mag-ensayo ng archery sa dojo na nasa kanilang Village. Sinubukan niya na mag-bull's eye, pero sablay na naman.

Hindi na talaga siya nagbago.

Sinubukan niya pa uli, pero wala pa rin. Naisip na lang niya na umuwi na.

Hindi pa rin nakakabalik mula sa pamamalengke ang mga magulang niya, pero si Nino ay nakauwi na. Naabutan niya ito na nakaupo sa sofa.

"Nino!" sabik na sabik siya. Para bang isang linggo niya itong hindi nakita. "Kumusta? Ayos ka lang ba?"

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon