Hit 4~ Missing Piece

8.6K 92 14
                                    

"Nasaan ako?"

Nakita ni Mia ang sarili sa isang kakahuyan na maraming puno ng mga oranges.

"Anong lugar ito?"

Naglakad si Mia.

Napahinto siya nang may bunga ng orange na bumagsak sa ulo niya.

"Ah..."

"Ibigay mo sa akin iyan!" May narinig siyang boses ng babae.

Nang lumingon siya, nakita niya ang babae, ngunit malabo. Hanggang sa magising na siya.

"Mabuti naman at nagkamalay ka na." Bumungad kay Mia ang school doctor nila na si Doktora Sanchez.

Nasa clinic pala siya.
Paano siya nakarating dito?

"Ano pong nangyari? Paano ako napunta rito?" tanong niya.

Umiling ang doktora. "Actually nakita lang kita rito sa clinic na walang malay. Hindi ko alam kung sino ang nagdala sayo."

"Ganoon po ba."

"Mukhang nawalan ka ng malay dahil sa gutom. Hindi ka ba nag-almusal?"

"Ah..." Naalala ni Mia na hindi nga siya nakapag-almusal.

"Ang mabuti pa kumain ka na muna. Mamayang hapon ka na lang pumasok."

"Hapon?" Agad napatingin sa relo niya si Mia. "Hala! Malapit na palang mag-lunch! Hindi na ako nakapasok!"

"Igagawa na lang kita ng letter para ma-excuse ka. Halika na sa cafeteria, kumain na tayo."

***

"Ate Mia!"

"Mia!"

Nakita agad ni Mia si Nino, Chen Yin at Cashmere pagdating niya sa Cafeteria I.

May limang Cafeteria ang Yama Academy at Cafeteria I ang madalaa puntahan nina Mia.

"Ayos ka na ba, Mia?" tanong ni Chen Yin.

"Doktora, thank you po sa pag-alaga sa ate ko. Thank you rin po kasi tinawagan n'yo kami," sabi ni Nino.

"Wala iyon. Actually ang dapat n'yong pasalamatan ay iyong misteryosong tao na naghatid sa kanya sa clinic."

"Sino kaya iyon?" napapangusong tanong ni Chen Yin.

"Kumain na tayo," sabi ni Cashmere. Naupo na ito.

Sumunod na sa kanya ang iba pa.

"Kumain ka nang marami. Hindi iyong puro ka Brian," sarkastikong sabi ni Cashmere kay Mia.

"Brian? Iyong boyfriend mo, Mia?" tanong ni Chen Yin.

Hindi nakaimik si Mia. Napatungo lang siya.

"Ah, tama na nga ang usapan. Kumain na tayo," sabi ni Doktora Sanchez.

Nagsimula na nga sila sa pagkain.

Nasa gitna sila ng pananghalian nang tumunog ang cellphone ni Mia.
Nasa bulsa iyon ng coat niya. Kinuha niya iyon at natigilan siya nang makita sa screen ang pangalan ng tumatawag.

"Mia, bakit?" tanong ni Chen Yin.

"Sinong natawag, ate?"

Halos maiyak si Mia. Agad niya itong sinagot.

"Hello..."

"Mia, mahal ko?"

Parang sasabog ang puso ni Mia matapos iyong marinig.Tumayo siya at lumabas ng cafeteria.

"Mia, nandiyan ka ba?"

"O-Oo. Brian." Pagkatapos sambitin ang pangalan ng lalaki ay bigla na siyang napaluha. Pinunasan niya iyon pero hindi niya mapigil. Sobrang namiss niya kasi si Brian. Namiss niya ang boses nito. Lahat. Namiss niya.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon