Number 10 - Epilogue

933 23 0
                                    


Watch the video. :)

---

Minsan, kahit gaano mo kagusto ang isang bagay, kung hindi naman ito para sayo, hindi sya mapupunta sayo.

Minsan, kahit na ginawa mo na ang lahat para makuha yun, hindi talaga sya napupunta sayo.

May mga bagay na akala natin super perfect na dahil masaya tayo.

Pero hindi sa lahat ng oras na masaya tayo, ibig sabihin nasa ayos ang lahat. Dahil minsan, pinili lang natin maging masaya kahit na alam naman natin na may mali sa buhay natin.

May mga bagay na naka-ayon na sa lugar. Ang hinihintay na lang ay ang tamang pagkakataon.

Pero anong ginawa ko? Pinalagpas ko yung pagkakataon ko para maging tunay na masaya just to save the friendship.

 

Yung friendship na iningatan ko for almost my entire life.

"Ariesa, bilisan mo. Mahuhuli ka na sa flight mo." Sabi ni mama habang kumakatok sya. Pumasok sya sa kwarto ko at nakita ako. "What's wrong?"

I looked outside, wala na nga pala sya. He left a year ago. He left me. No, let me rephrase it. I allowed him to leave me. I was a coward.

I was afraid to take the risk that if our relationship won't work out, I'd be losing him. Dahil sa takot na yun, anong nangyari? I lost him at hindi ko pa nabigyan ng chance ang sarili ko para maging masaya.

After that night, he left and I never had the chance to see him again. His parents didn't tell me what happened to him. What they told me is that, he's gone. Gone for good or gone for other place is what I don't know. Ang alam ko lang, pinakawalan ko sya.

"He doesn't want to see you frowning like that, does he?" Sabi ni mama tapos inayos nya ang buhok ko.

"I wish I didn't let him go. Edi sana hindi ako sisimangot ng ganito." Nagsigh ako at humarap kay mama.

"Kung makikita ka nya ngayon, sa tingin mo, magugustuhan nyang sambakol ang mukha mo?" She asked one more time while fixing my dress.

I shook my head. "Si Ian yun eh! Gagawin nya lahat wag lang ako sumimangot ng ganito." Napangiti ako bigla nang maalala ko yung mga efforts nya para lang mapangiti ako. Pero unti-unti napalitan ng lungkot yun na sinundan ng pagpatak ng mga luha ko.

"Ssh. Stop crying, Ariesa." Niyakap ako ni mama at hinaplos ang likod ko para patahanin ako. "Ikaw na ang nagsabi, lahat gagawin nya wag ka lang maging malungkot. Bakit ka umiiyak?"

Natawa ako sa tanong ni mama. "Bakit ako umiiyak? Because I know that the Ian I know, the Ian who makes the impossible possible, is gone. Di na sya babalik sa akin kasi sinaktan ko sya."

10 Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon