Number 1

2.5K 21 9
                                    

"Hija, dalian mo. Ang bagal mo talaga kahit kelan." Sabi ng mama nya habang kinakatok sya sa kwarto nya.

"Eto na, mama. Patapos na. Just five more minutes." sagot naman nya. Nginitian lang ako ng mama nya tapos tumango ako.

"It's alright." I mouthed her and she led me to their living room.

"Nasa kusina lang ako, hijo. Kung may kelangan ka, just do as you please. I consider you a part of this family, after all." sabi ng mama nya tapos umalis na. Natuwa naman ako sa sinabi ng mama nya. Naupo lang ako sa cushion sofa nila habang inaantay siya.

"Ariesa Jane Domingo!" Sabi ko tapos tumayo ako pagkababa nya galing sa kwarto nya. "7minutes late. Again." seryosong sabi ko. Nagpout naman sya. Haha! Nakakatuwa.

"Oh come on, Ian Salvatore! That doesn't suit you." sagot nya tapos bumelat sya na parang bata. Ang cute nya talaga. Tinignan ko lang sya ng seryoso.

"Tara na nga." tapos hinila nya ako palabas ng bahay nila. Pero bago kami makalabas, tumigil kami sa may pinto at lumingon sya sa likod namin.

"Mama, papa! Aalis na po ako kasama ang best-est friend sa balat ng milky way galaxy!" sigaw nya tapos narinig ko naman na sumigaw sila ng ingat.

"Tito, tita! Sasamahan ko po muna yung anak nyo." sumigaw din ako at sumakay na kami sa sasakyan ko.

Paalis na sana kami nung lumabas yung mama't papa nya at naakbay si tito kay tita. "Ingatan mo yung princess namin!" sabi nila tas pumasok na sa bahay nila.

"Wala namang balat ang milky way galaxy ah?" nagtatakang sabi ko sakanya habang nagda-drive ako.

"Wala nga." Sagot nya habang nakatingin lang sya sa cellphone nya. Siguro katext nya yung crush nya si Damon Somerhalder. Psh. =_____=

"Eh ba't mo sinabing sa balat ng milky way galaxy?" Nag-e-expect ako na kalokohan lang ang isasagot nya pero nagulat ako sa sinagot nya.

"Kasi nga walang balat ang milky way galaxy, ibig sabihin walang ganun. Parang ikaw, walang katulad, nag-iisa lang." Pabulong na sagot nya pero sapat lang para marinig ko. Sa sinabi nyang yun, pinili ko na lang manahimik at magpatuloy sa pagda-drive.

-

Nagpunta kami sa mall ni Ariesa. Nagshopping, nanuod ng sine, nagbowling din kami tapos nagpunta kami sa Perfect Spot para maglaro ng billiards kahit medyo maaga pa para tumambay kami dito sa Perfect Spot.

"Pagod na ko. Tara kain tayo." sabi nya tapos binitawan nya yung hawak nyang cue stick.

"Saan naman?" tanong ko tapos tumira ako. Sakto, nagshoot yung number 5 and 6.

"Ewan." kibit balikat nyang sagot at nakatayo sa gilid ko habang ako naman, tinatansya ko yung posisyon kung pano ko titirahin yung number 7 na bola.

"Isipin mo muna kung san tayo kakain." nakatingin kong sagot sa kanya. "Sht." I hissed. Yung number 8 tsaka puting bola kasi yung nagshoot.

10 Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon