Number 7

883 13 1
                                    

"I know what we're going to do. Number 7. Let's go, I'm excited." Ngumiti na lang ako pagkasabi nya nun. Pinakiusapan ko yung nag-o-operate ng hot air balloon na sinakyan namin na dito kami dalhin since malapit lang naman.

Naglakad kami papunta sa taas ng building. Narating namin yung parang rooftop ng building. Buti na lang wala masyadong tao.

"Alam mo, sakto ka. Gusto ko talaga mag-air gliding eh." Sabi nya habang nasa pila kami. Tinignan ko lang sya ulit. "Aren't you going to ask why?"

"Parang kagaya ng dahilan mo sa pagsakay sa hot air balloon?" Tumango naman sya at nagbuntong hininga.

"Oo, tsaka dati pinangarap ko maging ibon o paru-paru. Gusto ko lumipad. Yung pakiramdam na malaya ka, wala kang ibang poproblemahin kasi nga malaya ka. Masarap kasi ata ang pakiramdam na yun. Gusto ko maranasan." She said modestly and sincerely.

"Pero alam mong anytime, pag nag air gliding tayo, mahuhulog tayo, magla-landing tayo at isang maling galaw lang, may posibilidad na masaktan tayo. Isang bagay na hindi pwedeng pigilan. Ang mahulog at masaktan." Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sinabi ko sakanya. Bigla ko na lang nasabi.

"Alam ko naman yun." Maikling sagot nya at nagkibit balikat na lang.

"Kilala mo ba si Icarus?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman syang napatingin sa akin at umiling.

"Si Icarus ay isang karakter sa Greek Myth. Anak sya ni Daedalus, isang master craftsman. Gumawa si Daedalus ng espesyal na pakpak para kay Icarus. Sinabihan sya ni Daedalus wag syang lalapit sa araw. Pero dahil sa kagustuhan nyang makalapit sa araw, tumakas sya mula sa Crete at lumapit sya araw. Dahil sa sobrang init ng araw, nasunog ang mga pakpak nya at nahulog sya.... at namatay." Naikwento ko bigla yung nabasa ko dati sa libro.

"Handa akong mahulog at masaktan. Kung kapalit naman nito ay isang pang-habang buhay na kaligayahan." Tapos ngumiti sya sakin at tumingin sa gilid.

"Ariesa..."

"I-an..." Sasabihin ko na ba?

"Ayan na. Tayo na ang mag-a-air gliding. Tara na?" Talo ka talaga, Ian Salvatore. Wala ka nang pag-asa. Hindi sya bagay sa duwag na kagaya ko.

Nag-air gliding kami. Syempre dalawang beses. Yung pangalawa kasi yung pabalik na sa pinanggalingan namin. Ang saya nga eh. Parang ibon talaga kami at parang naging mga bata ulit kami. Tapos kita namin ang ganda ng Puerto Princesa. Tapos nag-hot air balloon ulit kami pabalik sa lugar kung saan malapit kami nagpark --- kung saan kami sumakay para mag-hot air balloon. Ang laki ng ngiti ni Ariesa. Nakakatuwa. Nung naglanding na kami, tuwang tuwa pa din sya.

"Thank you, Ian. The best ka talaga." Sabi nya habang naglalakad sya. Nasa likod nya kasi ako.

"Alam ko, alam ko."

"Nagtataka lang talaga ako kung bakit wala ka pang girlfriend."

"Ako din nagtataka eh."

"I mean, sweet ka naman. Gwapo, magaling magsayaw parang ako, ma-effort ka, matalino, team captain ng football team nung high school tayo, mabait. Pero bakit wala ka pang nagiging girlfriend?"

"Binasted ko kasi lahat ng babaeng nanliligaw sakin." Sagot ko ng may mapang-asar at pilosopong tono. Humarap sya sa akin at nasa likod ang dalawang kamay.

"Sino bang gusto mo? Babae naman ang trip mo diba?" Tapos nagbela sya at tumakbo sya papasok sa kotse ko.

"Loko ka talaga. Syempre babae trip ko. Hindi ako myembro ng pederasyon. Ungas ka talaga." Tapos kiniliti ko sya kaya tawa sya ng tawa. Nung napagod na sya, nagpunta na ko sa driver's seat at nagready na para magdrive.

"Ano bang gusto mo sa babae?" Tanong nya habang naglalagay ako ng seat belt. Tumigil ako ng ilang sandali na parang nag-iisip.

"Anong gusto ko sa babae? Hmm... Either blonde o kaya brown hair, hindi masyadong matangkad, dancer, makulit, mabait, nakakatawa, matalino, malawak mag-isip at open minded at mataas ang pangarap, parang ikaw." Seryosong sagot ko habang diretsong nakatingin sa daan kahit na hindi pa ako nagda-drive. Tinignan ko sya at parang nagba-blush sya. "Pero hindi ikaw yun!" Pang-aasar ko sakanya tapos parang nawala yung pula nya sa muka.

"Nakakainis ka naman. Akala ko ako na yung sinasabi mo." Tapos hinampas nya ako ng malakas sa braso ko.

"Aray ko ah! Parang lang ang sinabi ko. Hindi ko sinabing ikaw. Linis - linis din ng tenga pag may time." Natatawang sagot ko at nagsimula nang magdrive.

"Sino nga kasing gusto mo?"

"Paano kung ikaw yung gusto ko? Anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam. I-fe-friend zone? Ewan. Parang m-malabo namang mangyari y-yung tanong mo." Hindi ko alam kung shaky voice sya habang nagsasalita o naging shaky lang dahil sa lubak na nadaanan namin.

"Ang sakit mo naman magsalita. Friend zone ako." Pagda-drama ko sakanya. Pabiro pero totoo naman.

"Hindi ko nga alam yung gagawin ko. Baka lang naman. Pero kung gagawin ko man yun, may dahilan ako. Ayokong mawala yung friendship na binuo natin for years." Seryosong sagot nya habang nakayuko at hawak - hawak ang cellphone nya. Hindi ko allam kung anong isasagot ko sa sinabi nya kaya pinili ko na lang manahimik. Maya- maya pa'y tumunog yung cellphone ko. Inihinto ko yung sasakyan para sagutin yung tawag.

"Ah, si Christine. Teka lang, sasagutin ko lang. Baka importante." Sabi ko sakanya tapos lumabas ako ng sasakyan.

ARIESA'S POV

"Ah, si Christine. Teka lang, sasagutin ko lang. Baka importante." Sabi nya sa akin tapos lumabas sya ng sasakyan para sagutin yung tawag.

Importante? Christine? Christine? Importante? Teka lang naman, parang ayaw magprocess sa utak ko. Matagal ko nang kilala si Ian, matagal ko na syang best friend pero bakit parang hindi naman nya sinasabi sa akin yang Christine na yan? Girlfriend nya ba yun? Madaming babaeng lumalapit sa kanya sa tuwing magkasama kami. Syempre, future president ng kumpanya nila tapos dancer pa sya. Totoo lahat ng sinabi ko kanina. Gwapo sya, mabait, ma-effort, magaling magsayaw, matalino, football team captain. Swerte siguro ng Christine na yun.

Kinuha ko yung cellphone ko. Itetext ko na lang si Damon since mukang matagal pa naman bago matapos ang usapan ni Ian at nung Christine.

To: Damon Somerhalder

Mon, please meet me later tonight. I need someone to talk to. Please.

Wala pang five minutes, nagreply si Damon.

From: Damon Somerhalder

No need to say please. Lagi akong nandito. Ikaw lang ang hinihintay ko.

Napangiti naman ako. Buti na lang nandyan si Damon at hindi sya nagsasawa sa akin. Although, nakokonsensya ako sa ginagawa ko sa kanya. Hindi ko namalayan, nakabalik na pala si Ian. Nakangiti sya. Kung sa bagay, kakatapos lang nila mag-usap ng girlfriend nya eh.

"Sino yung kausap mo?" Tanong ko sa kanya habang nags-start sya ng engine.

"Yung kausap ko? Ah, si Christine." Tapos nagsimula na sya magdrive.

"Girlfriend mo?"

"Ha?"

"Sabi ko kung girlfriend mo yung Christine? Nagtatampo na ako sayo, bestfriend mo ako pero hindi mo ako inuupdate tungkol sa love life mo." Tapos nag-pout ako. Aba! Nakakatampo naman talaga eh!

"Hahahahaha!" Tumawa lang sya habang nagda-drive at hindi man lang sinabi sa akin ang dahilan ng pagtawa nya.

-----------

Si Ariesa yung nasa gilid! :))))

10 Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon