Ch23: Business Trip

111 0 0
                                    

SHEENA's pov

"...oo na! eto na!" sabi ko sa kumag na kasama ko. inaayos ko pa kasi ang laman ng bag ko. "...excited!" bulong ko sa sarili ko.

"kapag nalate tayo, kokonyatan kita." pananakot ni Tristan.

"ako pa tinakot mo ha! at tska, paano mo nalaman ang salitang konyat?" nagtataka kong tanong.

"bakit, masama ba kung alam ko yung salitang yon?"

"h-hindi naman. pero syempre, iba pa rin pag galing sayo."

"hahahaha! bilisan mo na lang. dami mo pang satsat."

naku! ang weird din non minsan eh noh. haaaay! sana maging masaya ang trip na ito.

"...Louie."

"...S-Sheena."

ang weird. bakit parang nagulat o natakot siya sa pagtawag ko.

"...kamusta ka na mahal ko? miss na kita ah. sobrang busy ba?" paglalambing ko.

"...mahal ko, pupuntahan kita. nasaan ka ba ngayon?"

"oo nga pala, napatawag ako para ipaalam sayo na may business trip ang boss ko. at required ako na sumama." pagpapaliwanag ko.

"ganun ba. saan ba yan? ingat ka doon ah."

"sa Laguna .."

"Sir, ready na po." go signal ng driver kay kumag.

"...ah Louie, got to go na.i'll call you later.iloveyouuuu!"

"see you around. iloveyoumore!"

see you around????

LOUIE's pov

gusto ko munang umalis sa opisina ko. gusto kong mag-unwind muna. naisipan kong sundan si Sheena sa Laguna.

at tsaka, masyado akong nababagabag sa mga nangyari few days ago. gusto ko ng ibaon sa limot yon para hindi na makarating sa iba lalo na kay Sheena. -_-

TRISTAN's pov

"..wow! it was a surprise business trip for me!" Sabi ni Sheena na halata namang naaasar.

"so?" simpleng sagot ko.

"...I was really surprised!" she shouted. "tignan mo naman itong mga pinapahawak mo sakin, puro files mo. hindi mo man lang ako pinagdalhan ng kung anu-anong pwedeng pang-libangan dito." reklamo niya :D

"bakit? feeling mo, may time tayo para makapag-rent ng resort?"

"oo na. sige na. I almost forgot, kumag ka nga pala. I don't even like you." sabi niya habang inaayos ang pagkakaupo niya.

Tinignan ko na lang si Sheena, ang babaeng pasaway, maingay at madaldal. Di ko alam pero hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niyang 'I don't even like you'. Parang nawala ako sa mood :|

SHEENA's pov

Nandito na kami sa Laguna. Ang sarap talaga ng hangin dito. Kaso, nakakainis itong mga buhat ko. nakakairita!

"...Ms. Secretary, please prepare my papers. Malapit na tayo." utos ni kumag.

"Eh paano kung ayoko?" pangaasar ko sa kanya. hahaha!

"...you're not funny." seryoso niyang sabi.

"bleh!" inasar ko pa siya lalo. hehehe!

"...Please stop doing that nonsense! wala ako sa mood! kung ayaw mong ayusin yang trabaho mo, pwede ka nang umalis!" sigaw niya. @.@

Nagulat ako sa ginawa ni Tristan. Hindi ako sanay. Kahit inaasar ko siya, hindi niya ako sinisigawan. May nagawa ba ako na ikinainis niya? :(

we're already here @ TELSTAR MANUFACTURING CORP.

*** 

a/n: Hello guys! :) :* #RainyDay

My BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon