***7***

2.4K 109 34
                                    

Property of Annica Ly (DMSB)

***7***

[Kiefer's POV]

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at pinagpapawisan. Parang may masamang mangyayari... kanina pa ako hindi mapakali habang nasa biyahe.

"Sir okay lang po ba kayo?" tanong sakin ng driver ko.

"Po? ahhhh opo okay lang ako." kahit hindi.

*PhoneRings*

Kinabahan ako nang tumunog ang phone ko. Pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si Aliyah lang pala yun.

"Hello?....oo...papunta na ako.....sige.....l-love y-you." i-nend ko agad yung call, nakakailang kasi mag sabi ng ganun sa babaeng nililigawan mo pa lang... at isa pa... si Yuri... naghihintay parin kaya siya?

Hindi parin ako mapakali. Naalala ko nang mabasag ko kanina yung baso bago ako umalis.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Manong, balik tayo sa rest house. Pakibilisan nalang po."

"Pero diba magkikita po kayo ni Maam Aliyah----"

"Sundin mo nalang po ako manong please."

Pagka dating ko sa rest house, walang katao tao. Maliban nalang kay Ryuu, ang half brother ko.

"Bakit basang basa ka?" nakatulala lang siya sa kawalan ng maabutan ko siya.

"Si Yuri...." tumigil ang pagtibok ng puso ko.

Tumakbo agad ako papunta sa dagat. Naabutan ko ang mommy niya na umiiyak.

Sinalubong ako ni mom.

"Anak... si Yuri..." humagulgol siya ng iyak habang yakap ni dad.

Parang dinukot ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kasalanan ko ang lahat.

Nanghina ang mga tuhod ko nang maalala ko yung sinabi ni Ryuu kanina.

'Sinubukan ko siyang iligtas pero huli na ang lahat'

Napaluhod ako ng tuluyan sa buhangin. Hindi ko namalayang umiiyak na ako.

I lose a special person of my life.

----

Namitas ako ng mga bulaklak na binigay ko sa kanya dati, pagkatapos nun dumiresto na ako sa kanya.

Gusto ko na siyang maka usap ulit.

Nahanap namin siya sa loob lamang ng dalawang araw. Buti nalang may nakakita sa kanya sa pampang ng kabilang isla.

Commatose siya sa loob ng dalawang buwan.

Kaya naman sobrang saya ko nang balitaan ako ni tita na nagising na siya kanina.

Hindi ko ma explain kung gaano ako kasaya ngayon.

Kakatok na sana ako nang biglang magsalita si Ryuu na nakaupo sa labas ng kwarto ni Yuri.

"Kung ako sayo, hindi na ako papasok. Baka masaktan ka lang sa malalaman mo." hindi ko siya pinansin, hindi talaga kami magkasundo kahit kailan.

"Oh, Kiefer nandyan ka na pala." sinalubong ako ng mommy niya. Pero nagtaka ako dahil malungkot ang mukha niya.

"Tita okay ka lang po ba?"

"Ayos lang ako hijo, maiwan ko muna kayo." lumabas na siya sa kwarto kaya naman kaming dalawa nalang ni Yuri ang nandito.

Nilagay ko yung mga bulaklak sa tabi niya. Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita niya yan.

Naupo ako sa tabi niya at pinagmasdan lang siyang maigi. Hanggang ngayon nakokonsesnya parin ako dahil sa nangyari, kaya naman pinapangako ko na hindi na mauulit yun... aalagaan ko siya.

Maya maya iminulat na niya ang mga mata niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kamusta pakiramdam mo? tignan mo oh dala ko yung favorite flower mo." kinuha ko yung mga bulaklak at inabot sa kanya.

Pero tinitigan niya lang ito.

Tinignan niya ako, sabay sabing...

"Sino ka?" nabitawan ko ang mga bulaklak na hawak ko.

----

"Binaon na na nga niya lahat ng mga alaalang iyon... all the memories of summer." nakiramay ang alon sa bigat ng nararamdaman niya.

Isinisi niya sa sarili ang lahat ng nangyari kay Yuri. Kaya nagpasya siyang lumayo para hindi na maulit ang masamang bangungot na iyon...

Pero paano makakalayo si Kiefer kung siya...

"Ang Fiance kong Hudas!" --Annica Yuri Lee

Property of Annica Ly (DMSB)

All Rights Reserved 2013

Memories of SummerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz