***5***

2.7K 82 21
                                    

Property of Annica Ly (DMSB)

***5***

[Yuri's POV]

Tatlong araw nalang  bago kami umalis dito sa rest house namin.Tatlong araw ko nalang siyang  makaksama kaya naman bawat araw ay nilulubos lubos ko na.

"Yuri, kamusta na kayo ni Kiefer?" nagulat ako sa tanong ng mommy niya. Nabitawan ko yung kutsara kaya naman napatingin silang lahat sakin. Nakakahiya dahil nandito lahat ng miyembro ng pamilya ko at pamilya niya, sabay sabay kaming kumakain ng hapunan.

"Ha-ha-ha, tita naman eh..." uminom ako ng tubig kasi parang mahihimatay na ako. HAHAHA. Charot lang XD

"Ma, wag niyo na ngang tanungin ng kung ano ano si Yuri." nakahinga ako ng maluwag nang magsalita si Kuya Kief. Tumingin ako sa kanya, mukhang badtrip na naman siya kasi ito yung topic.

"Okay, titigil na ako. Alam ko namang doon din ang patutunguhan niyo." tapos nagtawan silang lahat maliban samin ni Kuya Kief, parang may alam sila na hindi namin alam? Kaasaaaaaaar -_____-

"What do you mean tita?" napatingin ulit silang lahat sakin.

"Hindi pa ba nasasabi sayo ng mommy mo hija?" tumingin ako kay mommy, nginitian niya ako.

"Nakipagkasundo na ako sa kanila princess ko, we already planned your engagement." tumalon yung puso ko sa tuwa. Ibig sabihin lang nun, hindi na kami magkakahiwalay... makakasama ko na siya araw araw... pero kabaligtaran ng naging reaksyon ko, ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Binagsak niya ang kutsara't tinidor sa lamesa, tapos nag walk out siya.

"Excuse me lang po." tumayo ako para sundan siya.

Nilibot ko ang buong rest house para hanapin siya. Pero hindi ko siya nakita, hanggang sa napadpad na ang mga paa ko sa tabing dagat. Naalala ko nung una kaming nag usap, ang saya ko nung araw na yun.

Inihahagis niya yung mga bato sa dagat. Bawat paghagis niya ng bato sa dagat, dama kong punong puno ito ng galit.

Nilapitan ko siya, at niyakap mula sa likuran.

"K-Kuya ayos ka lang?" pero nagulat ako nang tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Layuan mo na ako Yuri, ayoko na sayo!" parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko, yung luha ko parang tutulo na anumang oras ngayon.

"B-bakit?" humarap siya sakin.

Yung Kiefer na cold. Siya yung nakikita ko ngayon, hindi siya yung Kuya Kief na nakilala ko at nagbigay sakin ng masasayang alaala ngayong summer.

"Ayokong ma-engage sayo."

"B-bakit? a-ayaw mo ba sakin?" nanginginig na yung boses ko. Nakisama pa yung langit, bigla nalang kumulog.

"Kaibigan lang turing ko sayo." ganun pala turing niya sa kaibigan? ang mahirap kasi, UMASA AKO. Akala ko may gusto na siya sakin. Tumalikod na siya at naglakad kung saan.

"Pero kuya..." hinabol ko siya at pinigilan ang braso niya at hinarap ulit sakin.

"Mahal na kita..." kasabay ng pagbuhos ng ulan at paghampas ng alon sa pampang ang paglabas ng mga luha sa mga mata ko.

 kaya ako masaya kapag kasama kita... kaya gustong gusto kong maring ang tawa mo at makita ang ngiti mo araw araw... dahil mahal na kita.

"Hindi mo ako mahal Yuri, nasanay ka lang na lagi mo akong kasama. Masyado ka pang bata para sa ganyan."

"Hindi... hindi Kuya Kief... mahal na talaga kita..." niyakap ko siya ng mahigpit, I can't let him go.

Hindi ko kaya...

"Sorry Yuri, but I'm courting someone. And my heart only beats for her." napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. 

Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. 

Palayo sakin.

"Maghihintay ako dito bukas, kapag hindi ka dumating... ipinapangako ko sayo na ibabaon ko na sa limot lahat ng alaala natin sa lugar na ito..." sabi ko habang humihikbi. Napahinto siya pero hindi niya ako nilingon.

"Aalis na ako bukas kailangan kong makipagkita kay Aliyah, wag ka nang maghintay dahil walang darating."

Aliyah? siya ba Kuya Kief?

Tuluyan na siyang umalis at iniwan ako.

Misunderstanding the sweetness of one person might hurt you at the end when you thought it was LOVE.

Yes, I thought it was LOVE.

Lumakas ang ang paghampas ng alon... lumamig ang ihip ng hangin... bumuhos ang malakas na ulan...

At ang puso ko ay naiwang luhaan.

Memories of SummerWhere stories live. Discover now