***2***

3.4K 100 20
                                    

Property of Annica Ly (DMSB)

***2***

[Yuri's POV]

"Kuya Kief! gising naaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sabay yugyog ko sa kanya. 

Maaga akong nagpunta sa kwarto niya para yayain siyang mamasyal. Wala kasi akong kasama, nag solo sila mommy at daddy tapos si kuya naman naglaho nalang bigla, iniwan nila ako -____-

"Hmmmmm... maaga pa..." bedroom voice pa, waaaaaa! kinilabutan ako bigla. 

Sinampal ko paulit ulit yung mukha ko, ang bata bata ko pa kung ano ano na iniisip ko.

"Kuya bumangon ka na nga dyan!" pinagpapalo ko siya ng unan, kaya naman napilitan siyang bumangon HAHAHA.

"Oo na eto na, sandali lang." umalis na siya sa kama at dumiretso sa cr.

Inantay ko siyang magbihis tapos umalis na kami.

"Gusto mong magbike?" tanong niya sakin pagkalabas namin sa resthouse.

"Hindi ako marunong, pati nakakatakot >,<" nanigas ang buong katawan ko nang hawakan niya bigla ang kamay ko.

"Wag kang mag alala hindi kita pababayaan :)" pakiramdam ko sobrang safe ako kapag kasama ko siya, kaya naman madaling naging palagay ang loob ko sa kanya.

Hinila niya ako tapos naglakad kami. Nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa. Napangiti ako na parang timang.

*Lubdublubdub*

Abnormal na yata ang heartbeat ko, hindi naman ako hinihingal pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Baka may sakit na ako sa puso? HAHAHA. Joke lang XD

"Halika, angkas ka dito sa harap." inalalayan niya akong umangkas sa bike. Sobrang lapit namin sa isa't isa, amoy na amoy ko yung masculine perfume niya, at dinig na dinig ko din ang tibok ng puso niya. Kinakabahan din kaya siya?

"Kinakabahan ka ba?" tumingin siya sakin sabay ngiti. 

"Hindi, alam ko namang hindi mo ako pababayaan. ^___^ " pero sa totoo lang ang lakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan nga siguro ako. Ang gulo ko ba? HIHIHI XD

Nilibot namin yung buong resthouse gamit yung bike, hindi na nga namin namalayan na hapon na pala. Hindi na nga ako nakaramdam ng gutom eh HAHAHA ^____^

"Gutom ka na?" 

"Hindi pa kuya, ayos lang ako." basta kasama kita ^___^

"Pawis na pawis ka na pala oh." pinunasan niya yung pawis ko sa mukha. 

Parang tumigil yung pag ikot ng mundo ko. Nakatingin lang ako sa kaniya kinabisado ko bawat detalye ng mukha niya. Para siyang anghel na hinulog ng langit para sakin. HANUDAWWWWW? HAHAHA gutom na yata ako! kung ano ano na pumapasok sa kokote ko kabata bata ko pa XD

"Ako nalang kuya, kaya ko na to." kinuha ko yung bimpo sa kanya, kasi kung hinayaan ko pa siya baka mahimatay na ako sa sobrang kilig. Waaaaa~ Ano daw yun? HAHAHAHA Baliw na bata -___-

"Yuri, para nga pala sayo." inabutan niya ako ng isang yellow na bulaklak. Napangiti ako, pati ang puso ko.

"Salamat kuya, hmmmm... ang bango naman nito! Bakit mo ko binigyan nito?" napakamot siya sa batok tapos umiwas ng tingin.

"Sabi kasi nila yung ganyang bulaklak daw para sa mga magkakaibigan." niyakap ko siya dahil sa sobrang tuwa.

"Ang sweet mo naman kuya." natahimik kaming dalawa, nanatili lang akong nakayakap sa kanya.

"Ganito pala pakiramdam kapag nagbigay ka ng bulaklak sa isang babae." crush niya kaya ako? LOL FEELINGERANG BATA -____-

"Ha?" kunwari hindi ko narinig, pero gusto ko lang na ulitin niya yung sinabi niya. HIHIHIHI ^____^

"Wala, sabi ko basta para sayo. Parang kapatid na kaya kita." ginulo niya yung buhok tapos tumakbo siya papunta sa tabing dagat.

Sinundan ko siya tapos nagtampisaw kami sa dagat.

Parang nag slow motion yung buong paligid tapos yung ngiti at tawa niya lang ang nakikita at naririnig ko.

Nang mapagod kami humiga kami sa pampang.

"Nakakapagod! pero ang saya!" sabi ko habang hinihingal pa.

"Ang ganda dito noh?" nakatingin lang siya sa langit habang nakangiti ng malapad.

"Oo nga, sana dito ulit tayo next summer." nakatitig lang ako sa kanya, sana hindi na matapos ang summer para hindi na kami magkahiwalay. Ngumiti lang siya pero hindi siya nakatingin sakin.

"Ang saya saya ko ngayon." bigla siyang tumingin sakin, nagulat ako kasi baka nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Bakit naman?" dahil nakasma mo ako? HIHIHI sana nga XD

Spell FEELINGERA?

Y-U-R-I  

HOHOHOHO XD

"Tingin ko kasi malapit nang mapasakin yung babaeng pinapangarap ko." napatigil ako at ngumiti.

 Hindi naman siguro malabo na ako yun diba? Hindi naman masamang umasa at mangarap HAHAHA.

 Pinikit ko ang dalawa koong mata.

Dinama ko yung tubig na humahampas sa katawan ko, yung hangin na dumadampi sa balat ko, at yung malakas na alon na nariring ko.

Pero kahit anong gawin ko...

 mas dama ko parin kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Memories of SummerWhere stories live. Discover now