Chapter 21

4.3K 55 2
                                    



Jasmine's POV

I am a 3rd year college student. English major din and bachelor of secondary education ang course. Honestly nung second year ko narealize na crush ko si Shane. Nakikita ko siya palagi sa meeting ng organization namin as english majors. Pero hindi niya ako napapansin or mas tamang sabihin na ayokong mapansin niya ako. Kasi sino ba naman ako? Senior ko siya ang I don't know kung may pagasa ba ako sa kanya. So hanggang malayo lang ako at makatingin sa kanya.

I remembered our first encounter. Since officer siya sa org namin dati sila yung nagsasalita sa mga meetings. So ako naman enjoy kasi nakikita ko siya. Tapos I was nominated to be the representative ng class namin. Nahiya talaga ako nun at parang natunaw yung tuhod ko ng ngitian niya ako at pinalapit sa kanya. Malas lang akala ko makakasama ko na siya palagi kaso natalo ako nung isang classmate ko. Para sa akin sobrang saya na kaya nun.

Then ngayong 3rd year masaya kasi naman nalaman ko sa EIC namin na sumali pala siya sa gazette. So it only means na may pagasa ng nakasama ko siya. Mas lumakas pa ang loob ko ng maconfirm ko from a very reliable source na she is into girls. Woohoo! Talagang may pag asa na. So I insisted kay EIC na ako ang ipartner kay Shane. Pumayag naman siya kasi sabi ko same majors kame kaya madali kung kame ang magkasama and I told her na may plan din akong magapply for associate editor in chief next year so mas matututo ako kung kasama siya palagi. Well yung last reason totoo naman but ang importante talaga yung kasama ko si Shane.

Ang nakakainis lang may girlfriend pala siya. Namen! Akala ko may chance na eh. Bigla nanaman gumuho ang pagasa ko. Lalo na nakita ko kung gaano kaganda yung girlfriend niya. Hindi naman sa pagmamayabang hindi naman ako pangit. Marami ngang nagsasabi na maganda din ako pero pakiramdam ko hindi man lang ako kumalahati sa ganda nung si Gheys. Dyosa ata yung samantalang ako hamak na mortal lang.

Pero I won't give up that easily. Magbe-break din sila! Haha! My bad side nanaman ang umiral with evil laugh pa.

Buti na lang hindi na pumunta yun sa office ngayon. Matagal ko ring masosolo si Shane dahil gagawin na namin yung decorations. Sinabihan ko si EIC na surprise yung office at walang dapat maiwan kundi kaming dalawa ni Shane lang. Para-paraan din yan noh.

Ang nakakainis lang ay yung ilang beses na nagtetext siya kay Gheys. I prayed really hard na maempty bat yung phone niya. So laking tuwa ko nung nangyari nga. Haha. I won this time!

Kwentuhan lang kami ni Shane. At madalas na sinasadya ko na magtama yung kamay namin kapag kukunin ko kunwari yung gunting o kahit na anong bagay na malapit o ginagamit niya. Call me crazy pero ganito ako kahibang sa kanya eh.

Then accidentally natapon yung pain sa blouse niya. At kapag sinuswerte ka nga naman may dala akong extra shirt. Nagpalit siya sa loob ng office. Pinatalikod niya ako. Sumunod naman ako. Siyempre mabait na bata pero sa totoo lang gusto ko siyang makita kung paano niya isuot yung damit ko. Hahaha!

Then nung natapos na kami niyaya ko siyang kumain sa labas. Buti na lang talaga sumama siya. Parang date lang. Ang cute niya habang kumakain. Tapos napatitig ako sa lips niya. Siguro sobrang sarap halikan nun. Hay...pinagpawisan ako sa naisip ko.

"Hey staring is rude." sabi ni Shane na nakasmile.

"Sorry." sabi ko sabay iwas ng tingin.

Tumawa lang siya ulet. "Seryoso nito." tapos kinurot niya yung pisngi ko.

Nakitawa na rin ako sa kanya. Grabe yung spark na naramdaman ko nung dumapo yung kamay niya sa skin ko.

Naisipan kong kuhanan siya ng picture. So I pretended na nagtetext. Tinapat ko yung phone ko sa kanya. Then tinawag ko siya. After nun I tapped my phone to capture the picture. Cute niya kasi medyo nakasmile.

"Hala..burahin mo yun!"

"Souvenir." sabi ko.

"Ano ako pasyalan na kailangan ng souvenir? Delete mo yun ah."

"Haha. Basta akin na yun." I'm thankful kasi hindi na siya nangulit.

After we ate nagpaalam na si Shane. Then before siya sumakay ng jeep bumeso muna siya.

"Bye friend. Ingat."

Nakatulala lang ako tapos kumaway sa paalis na jeep na sinakyan niya. Kahit friend pa yung sinabi niya may first kiss na kame. Hahaha! Hindi ko hahayaang mabasa yung cheeks ko na bineso niya.

Today is the happiest day of my life.

End of chapter

Unusual Dream (lesbian love sex)Where stories live. Discover now