Chapter 13

12.4K 129 2
                                    



Still Gheys' POV

The next day late na ako nagising. Buti na lang at holiday ngayon at walang pasok. Pagmulat ko ng mata ko wala si Shane sa tabi ko. I felt so lost. Tapos bigla siyang pumasok sa room wearing the smile that I love the most.

"Gising na pala ang baby ko. I hope you somehow feel better than yesterday." bati niya sakin.

"Mas okay kung may kiss ako." sabi ko.

I did not have to ask twice dahil hinalikan na niya ako at may kasama pang hug. Naamoy ko yung pawis niya. Bakit ganoon? Mas mabango pa pala siya kapag natural na amoy. Yung walang cologne at pawis lang.

"Bango ng babe ko ah. Amoy paksiw." biro ko sa kanya.

"Haha. You are better than yesterday. Lika bangon ka na." aya niya sa akin.

After kong maligo at kumain nagpaalam na ako kay tita. Sumama naman talaga si Shane to support me. Niyakap naman ako ni tita bago kami umalis sabay sabing palagi silang available kapag kailangan ko sila.

That made me even stronger now. I have my second family na accepted kung ano ako at mahal nila ako.

Pagdating sa dorm nasa receiving area na sila papa. I unlock my door at pinapasok ko sila. Bago ako pumasok sa room at harapin ang war yumakap muna ako kay Shane na nakaupo na sa receiving area. She just smiled and said na tawagin ko lang siya. Then pumasok na din ako sa room ko.

"Gheys hindi namin ginusto ni tita Angie mo ang nangyari. Basta na lang nangyari." simula ni papa.

"Hindi ginusto? For heaven's sake pa! May mga asawa kayo. Pwede niyong iwasan ang isat isa."

Hindi kumibo si papa dahil I have a point.

"Gheys ako na ang lalayo sa papa mo. Sorry sa lahat." sabi bigla ni tita Angie.

Nakita kong nagulat si papa. Parang ayaw niya.

"Alam mo pa kung nairecord ko lang yung reaction mo sasabihin mong tama ang sasabihin ko. Ayaw mong maghiwalay kayo? Naisip mo bang unfair para kay mama? Para kay Lloyd? Sa akin? Sa anak nila tito?at kay tito na rin! Hindi namin kasalanan na magpakasal na kayo at nagkaron na kayo ng mga anak sa mga asawa niyo bago kayo magkagustuhang dalawa."

"Anak kasi si Jeff." hindi maituloy ni papa yung sasabihin niya. I can see na sobrang uncomfortable siya at si tita Angie naman nakayuko lang.

Napaisip ako bigla. May resemblance si Jeff kay papa. At madalas nilang biro pinagbiyak daw na bunga ang dalawa.

"Anak mo si Jeff." I said straigh forwardly.

Wala akong sagot na nakuha sa kanilang dalawa. "Ayan ba ang sinasabi niyong hindi niyo ginusto?"

"Anak desidido na ako. Hihiwalayan ko na si Angie. Pero si Jeff hindi ko kayang mawala siya." sabi bigla ni papa.

"Bahala kayo kung paano ninyo ipapaalam kay mama yan. Alam kong walang kasalanan si Jeff dito pero remember this. Kapag nagbreakdown si mama kalimutan mo ng anak mo ako pati na si Lloyd dahil hindi kita mapapatawad."

"Ako na ang magsasabi kay mama mo."

"E paano si tito Jun? Paano kung manggulo siya?"

"Nakausap na namin si Jun kagabi. Hindi na siya manggugulo." sabi ni tita Angie.

"Mabuti naman po kung ganoon." sabi ko. Wala nang nagsalita sa amin.

"Salamat Gheys at naintindihan mo kami." sabi ni papa.

"Hindi ko kayo maintindihan. Ang akin lang ayokong masira ang family ko. Wala naman na siguro tayong paguusapan. Malinaw na ang lahat. Make sure na tatapusin niyo na kung ano man ang meron kayo."

"Oo anak. Sige alis na kami." yayakap sana si papa pero umiwas ako. Hindi ko pa siya totally napapatawad sa ginawa niya. Normal lang naman sa isang tao yun.

Umalis na din sila. Pinapasok ko na si Shane sa room.

"I think that went well." sabi niya sabay hug sa akin.

Umiyak lang ako. Kanina ko pa kasi pinipigilan yung luha ko. I can't believe it. May anak pa si papa sa ibang babae! How on earth will my mom accept that?

"Kapatid ko pala yung bata. Si papa napakalaki ng problemang ginawa. Paano na kapag nalaman ni mama? I can't even think about my mom crying a river because of that!"

Niyakap lang ako ni Shane. "I really don't know what to say. Pero just remember I'm always here."

Yun lang naman kailangan kong marinig. Ang sabihin niyang nasa tabi ko lang siya to support me.

"You being here is more than enough babe."

Niyaya niya ako ulit na matulog sa kanila. Ayaw talaga niya ako mag isa ngayon. So pagdating ko sa bahay tumawag si papa. Pinapauwi niya ako bukas para pagusapan yung ginawa niya. Sasabihin na daw niya kay mama.

I don't know what's going to happen tomorrow. Bahala na. I'll face them and I'll just be strong for mama and Lloyd.

End of chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon