Chapter 15

13K 155 5
                                    



Shane's POV

Sobrang sakit. Parang paulit ulit na tinadtad yung heart ko dahil sa nakita ko. Isang malaking joke lang ba para kay Gheys ang relationship namin?

Akala ko pa naman iba siya sa lahat. Seryoso ako sa kanya. But I think hindi siya ganun sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi pwede sa hospital dahil alam kong mahahalata nila ang mood ko. At ayokong makita nila akong umiyak. The last thing na gusto kong mangyari.

I decided to go home. Tinawagan ko si ate at sinabing uuwi muna ako para magpahinga at babalik na lang ako. She said yes dahil alam din nilang pagod ako.

Pagdating sa bahay naligo ako. Baka sakaling yung malamig na tubig ang mapawala kahit konti sa nararamdaman ko. After kong maligo wala pa rin. Kapag pumipikit ako yung nakita ko kanina ang paulit ulit na ngpa-flashback sa utak ko.

Umiyak lang ako ng umiyak. Hanggang sa sobrang pagod nakatulog ako. Mga 7pm na ng magising ako. I checked my phone kung may text sila ate. May text nga na pinapapunta ako sa hospital. Tapos maraming missed calls at text si Gheys. I ignored all of her message. Then I prepared na para pumunta sa hospital.

-After few days-

Nakalabas na din si mama sa hospital. Sa bahay muna nila ate siya stay dahil kailangan niyang maalagaan ng mabuti. So magisa lang ako sa bahay namin.

Few weeks passed pa at bahay school lang ang routine ko. I am just going with the flow.

"Shane, tulala ka nanaman. Nagwoworry na kami sayo." sabi ni Jovs.

"I'm fine. Don't worry about me." sabay ngiti. I smiled but I did not feel it to my heart. Sobrang nasasaktan pa rin ako.

"Alam namin hindi ka okay kaya wag mo kaming lokohin gaya ng ginagawa mo sa sarili mo. Nandito lang kame para sayo." sabi naman ni Joc.

Dun na ako naiyak ng husto. Buti na lang wala na kaming pasok at nakatambay lang sa soccerfield. Gusto ko na nga sanang umuwi pero tinago nila yung wallet ko. Sinabi ko ngang kaya kong maglakad pero binantayan talaga nila ako para hindi ako makauwi.

Umiiyak lang ako. Todo naman sa paghug at paghaplos sa likod ko. Naramdaman ko talagang nandun sila para akin.

Sobrang nasasaktan talaga ako dahil hindi man lang tumawag si Gheys sa akin. Ni hindi nga nagtetext o gumawa ng effort na makita ako, magpaliwanag o humingi ng sorry. Lalo na ngayon handa na akong makinig sa kanya dahil sobrang sakit ng wala siya sa tabi ko. Pakiramdam ko mamamatay na ako dahil wala na siya sa buhay ko.

"Nakakainis siya. Sobrang galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Sobrang nasasaktan ako ngayon pero bakit mahal ko pa rin siya?! Bakit hinahanap ko pa rin yung presence niya? Bakit nalulungkot ako dahil wala na siya sa buhay ko?!" tuloy tuloy kong sabi habang ngumangawa ako sa mga kaibigan ko.

"E mahal nagmahal ka kaya you have to endure everything. Makakamove on ka din. Nandito naman kame. Ayan si Rina pwdeng gf mo muna yang nanay mo." pabiro nilang sabi.

Kahit paano naman napasmile ako kahit puro luha yung mata ko. "Mga baliw kayo. Pinagtripan niyo nanaman itong nanay ko." nanay kasi ang tawag ko kay rina kahit na mas bata siya sa akin.

"Ayun naman o! Napasmile ka rin, o Rina talo ka sa pustahan. Libre mo ako fishball mamaya." sabi ni Jovs kay Rina.

"At pinagpustahan niyo pa ako? Anong pustahan naman yan?" sabi ko habang pinupunasan ko yung luha ko sa face.

"Kasi itong si Rina at Jovs nagpustahan kung mapapasmile ka daw ba. Ayun talo si Rina." sabi ni Joc na natatawa din.

"Kung ipasalvage ko kaya kayo? Pagpustahan ba ang kalungkutan ko?? Tara na nga at uwi na tayo!" yaya ko sa kanila. I somehow felt better than kanina. Kaya never kong ipagpapalit ang mga friends ko eh.

Unusual Dream (lesbian love sex)Where stories live. Discover now