One Reason

2.1K 44 7
                                    

Naririto ako.. Nakaupo sa damuhan sa ilalim ng punong acacia.. Pinagmamasdan siya habang naglalaro ng football..

Isa lang akong ordinaryong babae.. Nag-aaral sa isang kilalang eskwelahan.. Isang ordinaryong babae na humahanga sa isang sikat ng lalake..

Siya si Sean Albert Reyes.. Isang football player.. Mr. Engineering 2013.. Dean's Lister.. Gwapo, matalino.. Hinahangaan ng lahat..

Hindi ako nagsasawang pagmasdan ang gwapo niyang mukha.. Mapupungay na mga mata at natural na pula ng labi na tila kay sarap halikan..

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa notebook na hawak ko.. Ang notebook kung saan ko isinusulat lahat ng nararadaman ko..

Doon ko din isinusulat lahat ng maga bagay tungkol sa kanya.. Ang mga gusto at ayaw niya.. Ang mga ginagawa niya..

Sa unahan din ng notebook na ito, naka-drawing ang kanyang mukha.. Pinagmamasdan ko ito kapag nalulungkot.. Nawawala kasi ang lungkot ko kapag nasisilayan ko ang nakangiti niyang mukha..

Tumingin akong muli sa kanya at napansin kong papalapit siya sa direksyon ko.. Agad akong kinabahan.. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko..

Para hindi mahalata na sa kanya ako nakatingin.. Iniiwas ko ang aking paningin patungo sa kanyang likuran, kunwari'y may sinililip ako..

"Hi." bati niya sa akin.. Naupo siya sa tabi ko at tumingin sa sa field..

"H-hello." alanganin kong sagot sa kanya..

"Tingin mo, gwapo ako?" bigalng tanong niya..

"Y-yun naman ang tingin ng iba sa'yo eh." kinakabahan na sabi ko.. Ang lakas ng tibok ng puso.. Tila lalabas na ito sa dibdib ko..

"Yung tingin mo. Gwapo ba ako?" muling tanong niya at tumingin siya sa akin..

"A-ah. E-eh. O-oo naman." nauutala na sagot ko..

Ngumiti siya sa sagot ko.. "Parang hindi ka naman sigurado sa sagot mo eh."

"Huh? Ahh." hindi ko malaman ang isasagot ko..

"Alam mo, hate kita." biglang sabi niya.. Tila naman parang may kumurot sa puso ko ng sabihin niya iyon..

"B-bakit naman?" tanong ko..

"Kasi maganda ka. Matalino. Mas matalino ka pa nga sa akin eh. Sexy ka pati." sabi niya..

"Bakla ka ba?" bigla kong tanong na ikinatawa niya..

"Ako? Bakla? Hindi oy." sabi niya sa pagitan ng pagtawa.."Naiinis lang ako sa'yo. Ikaw kasi palagi ang kalaban ko sa mga contest eh. Quiz bee noong highschool. Drawing contest noong elementary. Pati sa pagiging cum laude, karibal pa rin kita." sabi niya..

"Sean." banggit ko sa pangalan niya..

"And I hate you for being beautiful." sabi pa niya.. "Hindi ko nga alam kung bakit kinakausap pa kita eh. Biruin mo, kausap ko ngayon ang isa sa pinakamalaking kalaban ko."

"Sorry." nakayukong sabi ko..

"No, don't be sorry." sabi niya.. Inangat niya ang ulo ko.. "Alam mo bang liligawan ko ang Ms. Accounting 2013?" tanong niya bigla..

Nalungkot naman ako.. Oo.. Humahanga ako sa kanya.. Mahal ko na nga siya eh.. Pero hindi ko naman hawak ang puso niya para pigilan siyang umibig sa iba..

Umiling na lamang ako.. Pinipigil ang mga luha sa pagpatak.. "Ang lamig noh?" iniba na naman niya ang usapan.. November na kasi, malapit ng mag-pasko kaya malamig ang hangin..

"Diary ba yang hawak mo?" tanong niya ng naktingin sa notebook na hawak ko.. Bigla ko naman itong itinago sa likod ko na ikinangiti niya.. Tumayo siya at basta na lang naglakad palayo..

Tiningnan ko lamang siya habang papalayo.. Nakita kong may dinukot siya sa bulsa siya.. Cellphone niya pala..

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.. Si Sean ang sender..

"You're beautiful. You're smart. You're talented. And I hate you for being that girl." sabi sa text.. 

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.. Kailangan ba talagang ulitin pa sa text ang mga sinabi niya kanina.. Ang sakit na nga eh.. Dinagdagan pa..

Tumunog muli ang cellphone ko.. Galing na naman sa kay Sean ang text.. Binasa ko ito..

"I have a million to hate. But I have one reason to love." sabi naman sa pangalawa niyang text.. "And that one reason is.. Mahal kita."

Napatingin ako sa kanya.. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.. Daha-dahan siyang lumapit muli sa akin.. "Sinabi kong liligawan ko ang isang accountingstudent, dahil gusto kong makita ang pagseselos mo. Sinabi kong malamig, dahil gusto kong mayakap ka. Tula ng sinabi ko sa text. Marami akong dahilan para kamuhian ka." sabi niya..

Umiiyak ako sa harapan niya.. Pinahid niya ang luha ko.. "Sa lahat ng bagay na pinaglalabanan natin. Sa isang bagay lang ako nanalo sa'yo." patuloy niya sa pagsasalita.. "Iyon ay ang pabilisin ng sobra ang tibok ng puso ko kapag kasama ka."

"Sean." niyakap ko siya ng mahigpit..

"Mahal kita, sapat ng rason iyon para paniwalaan mo ako." gumanti siya ng yakap sa akin at hinalikan ang ulo ko..

A/N: hulala couple.. wahaha.. salamat po.. pagpasensiyahan na ninyo.. eeeeeeeeeeeeehhh... salamat po.. :)

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon