His Side

56.3K 1.1K 275
                                    

3 Days To Make Him Fall | -- His Side

Erold Asuncion

 

Nandito ako sa bar ng isa sa mga kabarkada ko nung highschool si Chaos. Simula ng mangyari ang insidenteng makita kong nagtaksil sa akin ang asawa ko ay dito na ako halos umuwi. Gabi gabi akong nasa bar noon para makalimot. Gusto kong kalimutan ang sakit sa mga nangyari. Akala ko magiging okay na ako after kung makilala si Carla, pero bakit nandito na naman ako.

Tinungga ko ang hawak kong baso na may alak ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Pare, nakita mo na ba siya?" tanung sakin ni Chaos. Alam ni chaos ang lahat ng nangyari sakin, parang kapatid ko na din kasi tong tukmol na to.

"Hindi pa rin." yun na lang ang nasabi ko. It's been 3 weeks ng makabalik ako galing batangas. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari ng gabing iyon.

---

Goodbye Erold. Until we meet again !

Goodbye Erold. Until we meet again !

Goodbye Erold. Until we meet again !

Parang echo na paulit ulit ang mga salitang iyan ng asawa ko. Hindi ako makagalaw ng bigla siyang bumitaw sa hawak ko. Pagod na ba siya? Wala na ba? Hindi ko namalayan na nabasa na naman ang pisngi ko ng luha mula sa  mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit sakit. 

Ang tanga tanga ko kasi. Hindi ko man lang siya pinakinggan o hinayaang magpaliwanag. Litong lito na ako sa nararamdaman ko. Parang gusto ko nalang ishutdown ang utak ko at tigilan na ang pag iisip. Mahal ko pa nga ba siya?

Yan ang huling tanung sa isipan ko bago ako nakatulog sa may rooftop.

***

Nagising ako sa bulungan ng mga tao sa paligid ko. 

"Hoy! pre, gisingin mo na!". 

"Ayoko, ikaw nalang! Baka magalit !".

"Ikao nalang, para makapagligpit na din tayo. Mapapagalitan tayo ng management ee." naririnig kong sabi nila. 

Iminulat ko ang mata ko, pasikat na din ang araw at kanina pa ako nilalamig. Ngayon lang nagsink-in sa akin na nasa rooftop pala ako nakatulog. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi, bigla akong napabangon.

3 Days To Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon