Chapter |②|

54.7K 676 105
                                    

3 Days To Make Him Fall - Day |②|

"G-Girlfriend?" yan lamang ang tanging salitang namutawi sa bibig ko. Hindi ko alam ang dapat na sabihin dahil isa lang ang nangingibabaw sa lahat - ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

Bumalot ang katahimikan sa aming tatlo. Nakatitig lang ako sa asawa ko ganun din siya sa akin. Hindi ko napansin na nagpapalit palit na pala ng tingin sa amin si Carla. Bigla itong nagsalita na pumutol sa katahimikan.

"Ahmm Babe, are you okay?" malambing na sabi ni carla kay erold sabay yakap sa braso nito.

Parang nahimasmasan naman ang asawa ko kaya iginaya niya si carla sa loob. Nakatayo lang ako sa may pinto ng marinig kong magsalita si carla.

"Hey Feby, youre not coming?" sabi nito.

"Ah yes, I'll be there in a minute." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanila. Ayokong makita nila ang unti unting pagpatak ng luha ko.

Mabuti naman at hindi na ako kinulit pa ni feby. Pero narinig ko pang sinabi niya na "Babe, is she okay?"

"Yeah! Come" tipid na sabi ngasawa ko.

Sobrang sakit. Sayang lang pala ng paghahanda ko para sa araw na ito. Kung sana inabisuhan niya man lang ako para hindi ako nabigla. 

Nakatayo lang ako sa pinto hinihintay na maging okay ang nararamdaman ko. Pero patuloy parin ang pag patak ng luha ko. Kaya naman pinilit kung kumbinsihin ang sarili ko na kailangan kong magpakatatag. 

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto saka ko naibalik ang masayang ngiti sa labi ko. Kailangan kung ipakita na masaya ako. Mahirap magpanggap ng nararamdaman sinasabi ko na sainyo dahil sa ngayon yun ang nararanasan ko.

Nagtatawanan sila sa sala pagkapasok ko. Nagulat ako dahil ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti. Masaya ako - Oo ito naman kasi ang hinahangad ko noon pa, Pero bakit ganun? nasasaktan na naman ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong hilingin na sana sa akin nalang siya ngumiti. Na sana ako ang dahilan ng pag ngiti niya, pero kahit ilang beses ko pang ipikit ang mga mata ko, pag iminulat ko na ito, hindi na maaalis ang katotohanang hindi na sa akin ang mga ngiti niya.

Napamulat ako ng mata ng marinig kung tinawag ako ni Carla. Nakangiti siya sa akin kaya naman nginitian ko din siya pabalik.

3 Days To Make Him FallWhere stories live. Discover now