Chapter 3

22 0 0
                                    

"Hi I'm Kazer. And you are...?"

Bakit ganto? Bakit... ang pogi niya?

Ngayon lang ako nakakita ng gwapo na gaya nito. Oo na. Totoo nga ang sinabi ni Gelai. Masakit man at mahirap aminin, nilagpasan niya ang pogi ng Daniel my loves ko.

Kakaiba yung dating niya. Mula buhok hanggang paa nakakasilaw. Halos hindi mo na siya matignan. Okay. OA na siguro pagkakadescribe ko. Eh kasi naman! Ang pogi talaga! Yung tipong napapatingin ang mga babae at maiinsecure naman ang mga lalaki. Yung mga mata niya. Yung mata niyang ang sarap titigan. Samahan mo pa ng mahabang pilik-mata. Talbog lahat ng lalaki sa mundo.

May sumiko sa akin na naging dahilan ng pagkagising ko mula sa pagdadaydream ko. Ang bestfriend ko, si Stephen.

Tumango siya sa direksyon ni Kazer. Napatingin naman ako. Nakalahad pala kamay niya. >_< Nakakahiya.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya. Hoy. Hindi ako nagpapakipot. Nahihiya lang ako kasi bukod sa natameme ako sa harap niya, pinagpapawisan pa ang kamay kong inabot ko sa kanya. -_-

Hindi ko lang alam kung napansin niya yung pasmadong kamay ko pero kinamayan niya naman ako. Actually, medyo napatagal pa nga ang pagkakahawak niya sa kamay ko eh. Kung hindi lang talaga tumikhim si Ivy na katabi niya, baka ganun na lang forever yung posisyon namin. Ayos lang naman sa akin as long as siya ang kaholding hands ko. :'3

"Uhh... Ano... Ako nga pala si A-aubrey..."

"Chansing ka naman pinsan. Sinabi ko na nga pangalan niya eh ipapaulit mo pa. Mga paraan mo rin eh. Kahit kelan talaga."

Hindi niya pinansin si Ivy. Instead, tumingin siya sa akin at nginitian ako, "Ano ulit pangalan mo?"

Ayyy. Ipapaulit pa talaga niya ang pangalan ko? Hindi niya ba narinig?

Magsasalita na sana ako ng biglang sumabat nanaman si Ivy, "Paulit-ulit pinsan? Shunga ka ba o shunga ka lang talaga? Ang kulit! Au-"

"Hindi ikaw ang kausap ko. Wag kang umepal."

Sinamaan lang ng tingin ni Ivy si Kazer. Akmang sasagot na siya sa pinsan niya ng tawagin siya ng isang hindi katandaang babae. Kahawig niya si Ivy. Baka nanay niya.

"Ivy, anak, hinahanap ka ni Divine. May mga bagong dating ka rin palang bisita," sabi ng Mama ni Ivy habang tumango at ngumiti siya sa direksyon namin. Napangiti na lang rin ako.

Nginitian ako ni Ivy habang sinamaan niya lang ng tingin ang pinsan niya bago tuluyang umalis.

"Mas bagay sayo ang nakangiti."

Naginit bigla ang mukha ko. Gaaahhhh. Bakit kasi ang pogi pogi niya. Nakakailang tuloy siyang tignan. Pero grabe lang. Kinilig ako sa sinabi niya. :">

Hindi ako umimik. Ano naman kasi ang isasagot ko sa sinabi niya diba? Alangan naman sabihin kong "Thank You"? Yak. Ang kapal naman ng mukha ko para sabihin yan. Tsaka baka mamaya maturn off pa 'tong gwapong lalaki na nasa harapan ko.

"Miss, I'm sorry, what's was your name again?"

Shocks. Mas gumagwapo siya kapag nagi-English siya. Asdfghjkl. *O*

"A-aubrey. Aubrey ang pangalan ko."

"Ano? Pakiulit nga?" nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Ayyyy. Badtrip na 'to ha. Pogi sana kung hindi lang siya bingi. Ilang beses ko ba dapat kelangan ulitin ang pangalan ko? =_=*

"Sabi ko, Aubrey. Aubrey ang pangalan ko," sinadya ko ng lakasan ang boses ko. Baka mamaya ipaulit niya pa sa akin eh. Pero maingay din kasi talaga kaya siguro hindi niya ako naririnig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid Feelings (Fall)Where stories live. Discover now