Chapter 2

24 2 0
                                    

"Ang pogi talaga ng bestfriend ko!" sabi ko habang inaayos ang buhok ni Stephen.


Andito na kami sa harap ng bahay nila Ivy nagaantay ng taong magbubukas ng pinto.


"Stephen! Aubrey! Pasok kayo." Hindi namin napansin na andyan na pala si Ivy. Masyado kasing pogi si Stephen eh! Nadistract tuloy ako. Hahahahaha. Okay joke lang yan. Asa naman siya. >:D


Pagkapasok namin, ang daming tao sa bawat sulok ng bahay. Halos buong klase yata namin nandito. Kumpleto rin ang pamilya nila Ivy. Mula lola hanggang apo andito na yata. Malaki naman kasi ang bahay nila kaya ayos lang.


"Kuha lang kayo ng pagkain ha? Wala pa kasi yung panget kong pinsan eh. Sinundo pa lang nila mama sa airport. Pero mamaya dadating na rin yun."


Tumango lang ako at nag-thumbs up.


"Gutom ka na? Gusto mo kuhanan kita ng pagkain?" tanong ko kay Stephen na hindi pa nagsasalita simula ng makarating kami sa bahay nila Ivy. Hindi rin kasi talaga siya comfortable sa lugar na maraming tao. Maliban na lang kung mga kaibigan niya ang kasama niya.


"Palusot ka pa eh. Nagugutom ka na nga lang kasi tapos kunyaring yayain mo pa ako. Kaya ka tumataba... " bulong niya sa akin. Sinamahan niya pa ng belat yan. -_-


Pinalo ko yung braso niya, "Che. Nagpapakabait na nga ako sayo tapos aawayin mo pa ako. Kainis ka." =3=


"Oh. Yang nguso mo. Pout ka ng pout. Sana talaga hindi na bumalik yang bibig mo."


Sinamaan ko lang siya ng tingin pero hindi pa rin ako tumigil sa pagpopout. Bahala siya. Inaaway niya ako eh. Edi magpopout ako hanggang sa mabwisit siya. Ayaw niya kasing nakikita akong nakapout. Malay ko ba jan. Siguro may traumatic experience siya sa pagpopout. :D Hahahaha!


"Tsk. Itigil mo na yan Breangtot."


Dahil ang sarap niyang asarin, mas lalo akong nagpout. >:)


"Aubrey. Itigil mo na yan."


Awooo~ Ginamit na ni Tipen ang nakakatakot niyang boses. Hahahaha. Siyempre di pa rin ako magpapatalo. >:P


Sige. Pout lang ng pout Aubrey. Nang mabwisit si Stephen. :D


"Isa..." pagbabanta niya habang nilalapit niya yung mukha niya sa akin.


"Dalawa, tatlo, apat, lima, anim, SAMPU!" pangaasar ko. Siyempre pinagpatuloy ko pa rin ang pagpopout ko. Ang cute kasing asarin nitong bestfriend ko eh. Pikon kasi. :p


"Seryoso ako Aubrey. Itigil mo na yang pagpopout na yan. Dalawa..." mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa akin.


Hindi na siya bumubulong ngayon. Pero hindi pa rin ganun kalakas ang boses niya. Yung sakto lang para marinig ko. Maingay din kasi talaga sa bahay nila Ivy kaya walang nakakarinig sa amin.

Unsaid Feelings (Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon